"BINILI KO TALAGA YAN PARA SAYO"
DIANA POV;
Nakabihis na ako kanina pa at pumasok narin ang ibang mga classmate kong lalaki.
Isa na don si Claude.
Hinahanap ko yon sapatos ko na pang P.E tapos diko mahanap hanep! Malapit ng dumating si Kuya ehh!
Dumating yon ibang girls na classmate ko kasama si Keira na nakasuot na ng P.E. uniform, red ang P.E uniform namin gaya ng uniform namin.
"Oh andito kana pala bes akala ko kasi malalate ka na kaya nauna na lang ako magbihis sorry atat kasi si Cedrick."Sabi ni Keira ng pagkalapit niya.
Ngumiti lang ako at tumango.
"Okay lang ano ka ba"Saad ko habang hinahanap ang sapatos ko.
"Anong hinahanap mo?"Takang tanong nila Dave ng dumating sila may binili ata tong mga toh.
"Yon gagamitin ko na sapatos para sa P.E"Saad ko at kinalkal na ang bag ko pero wala parin waaah nakalimutan ko ata.
Napatigil ako sa paghahalungkat ng bag ko ng may biglang humila sakin si Claude.
Pinaupo niya ako sa upuan at nakita ko na may dala dala siyang maliit na paper bag.
Lumuhod siya sa harap ko na kinagulat ko.
At nagbulungan lahat ng mga classmate ko.
Nilabas niya yon laman ng paper bag at sapatos yon, yon yung binili niya sa mall nung sabado.
Hinawakan niya ang paa ko at tinanggal ang sapatos ko at sinuot niya yon bagong bili na sapatos na pang P.E.Anong ginagawa niya?
Nagbubulungan na ang mga tao tapos may sumisilip din sa labas.
Nakatulala ako sa kanya habang sinusuot niya sakin ang sapatos.
A-Ang gwapo.
Natapos niyang sinuot sakin ang sapatos na binili niya pero ako tulala parin sa kanya.
Tinitigan niya ako at pinasok ang sapatos ko sa paper bag at binigay sakin.
"Gamitin mo na lang, binili ko talaga yan para sayo."Malamig na sabi niya at tumayo at lumabas ng room.
Eh? A-anong....Binili niya yon para sakin?!
Nakita ko na nakangising aso yon lima bago kumikindat sakin tangina mga baliw.
Bigla akong nahulog sa upuan ng may biglang tumulak sakin, si Dave punyeta.
Napaupo ako sa sahig kaya tinignan ko sila ng masama.
Pero nakangisi din sila na parang aso at nakataas baba ang kilay nila kasama na din don si Keira.
“Enemy to lover ayieee!”Tumatawa na sabi ni Evan binato ko sa kanila yon paper bag na may laman na sapatos ko pero nakaiwas sila at tumakbo paalis bwisit!
“HUWAG KAYONG MAGPAPAKITA SAKIN!”Sigaw ko at padabog na tumayo.
Tumingin ako sa mga classmate ko na nakatingin sakin.
“Tingin tingin niyo?!”Sigaw ko at inirapan sila bago lumabas.
Inirapan ko din sila Kuya Cedrick dahil tumatawa sila.
Pagkadaan ko sa gilid nila sinipa ko sa paa si Kuya Tyler dahil siya yon nasa una.
Sumigaw siya sa sakit pero hindi ko siya pinansin at pumunta na lang sa gym dahil pinapapunta na kami don ni Kuya Zach siya daw muna mag aasikaso samin.
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.