Chapter 45 "UNEXPECTED KISS"

265 13 0
                                    

"UNEXPECTED KISS"

DAVE POV;

"Hoy gaga, ayos ka lang ba masyadong bang masakit?"Nag-aalala na tanong ko kay Diana na nakaupo habang namimilit sa sakit.

Tumango siya at hindi makapagsalita dahil sa sakit napailing ako at tumayo.

Nakaluhod si Claude tapos tinitignan tuhod ni Diana.

"Huwag ka muna tatayo."Sabi ko at hinalikan siya sa buhok.

Tumango siya.

Napatingin ako kay Claude na masamang nakatingin sakin napalunok ako at napaiwas ng tingin.

At pagka-iwas ko ng tingin bigla kong nakita si Cassandra na nakatitig sakin.

Ngumiti ako sa kanya ng pilit at umiwas ng tingin at pumunta kay Keira.

"Bes ayos ka na talaga? Hindi na masakit yan pisngi mo?"Nag-aalala na sabi ko gago kasi sobrang lakas ng pagkakasampal sa kanya tapos gago buntis siya ehh baka ma-istress siya mas natatakot nga ako dito kay Keira kaysa kay Diana.

Kasi buntis si Keira hindi naman buntis si Diana kung gagawa sila ni Claude ng bata edi matatakot na din ako.

Shessh napaka bait ko....

Pero kahit ganon nag aalala parin ako Kay Diana.

Mahal ko yan eh.

"Oo ayos lang ako."Sabi ni Keira at ngumiti, ngumiti ako at tinapik siya sa balikat.

"Malakas si Keira, Dave huwag mo siyang ikumpara sayo na lampa lampa tapos habulin ng bakla!"Biglang sabi ni Evan kaya napatingin ako sa kanya at babatukan sana siya ng bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko siya.

"Punyeta ka! Para sabihin ko parehas lang tayong lampa bobo!"Inis na sabi ko habang hinahabol ko siya naghabulan kami sa loob ng room at hindi ko siya mahuli huli.

Nagsisi-gilid ang mga classmate namin dahil naghahabulan kami.

"Tumigil kang bakulaw ka!"Sigaw ko at malapit ko na siyang maabot ng bigla akong hindi naka liko kaya ang diretso ko sa pwesto ni Cassandra.

Nanlaki ang mata ko ng bigla kong hindi nacontrol ang pagtakbo ko kaya ang ending bigla kaming napahiga ni Cassandra sa sahig.

Bigla akong napatigil.

..........

..........

..........

At biglang tumahimik ang paligid.

Biglang tumibok ng sobrang bilis yon puso ko.

......

N-Naglapit ang l-labi namin.

Nanlaki ang mata namin dalawa.

"Hoy gago!"Sigaw ni Evan at pinaghiwalay kami ni Cassandra.

Tinulungan ni Evan na tumayo si Cass habang ako napaupo sa sahig at napatingin sa mga kaibigan ko.

Pati ang mga classmate namin na nakatingin samin.

Pinunasan ko ang labi ko gamit ang braso ko at dali daling tumayo.

"S-Sorry h-hindi ko sinasadya."Nauutal na sabi ko kay Cass at dali daling lumabas.

Nakatingin silang lahat sakin kaya tumakbo na ako palayo don.

Napunta ako sa rooftop at lumapit sa sahig.

At umupo.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa ulap.

My Possessive Vampire (Book 3)Where stories live. Discover now