"GENTLEMAN"
DIANA POV;
Paglabas namin sa store bigla narin akong binitiwan ni Claude kaya binawi ko ang kamay ko.
"Anyari doon?"Nagtatakang tanong nila Dave nagkibit balikat ako at inirapan si Claude na nakatingin sa ibang diretsyon.
"Wala."Saad ko at umiwas ng tingin pero sila Kuya Darrel nakangisi.
"Tara mag sine muna tayo bago tayo kumain."Sabi ni Kuya Aldrin tumango kami at sumunod sa kanila tapos pinagtitinginan na naman sila ng mga babae at lalaki.
Ng nasa sinehan na kami madaming tao ang nagbulungan ng dumating kami.
"Omyghad sila Claude ba yon? Omy god behhh! Ang gwapo nila pala sa personal!"
"Ang gwapo gwapo talaga nila Tyler gusto ko nga mag aral sa school nila, para makita sila araw araw!"
"May kasama silang dalawang pogi waaahh sino kaya sila? Tapos dalawang babae shit bebs! Ang ganda nong dalawang babae."
Sabi ng mga babae at mga lalaki famous talaga tong anim na toh kahit sa labas kilala sila ng lahat ng tao.
Hindi na kami pumila dahil direstyo lang ang lakad nila Kuya Kevin na pinagtataka ko kahit ang haba ng pila.
Nakapunta agad kami sa counter bilihan ng ticket at popcorn at inumin.
Bumili si Kuya Cedrick ng sampong ticket at sampo rin na popcorn na mamalalaki at sampo din na coke.
Ang pinili nila yon romance na papanuodin namin.
Habang naghihintay kami napatingin ako sa likod, mga lalaki ang nakapila habang nakatingin sakin habang nakangiti.
Kumaway pa yon iba ng pag tingin ko sa likod, kumunot ang noo ko at di na sila pinansin.
Naramdaman ko ang nasa likod ko, bigla niyang pinulupot ang kamay niya sa tummy ko at tinali niya yon jacket sa tyan ko kaya kumunot ang noo ko at tumingin sa likod ko.
Si Claude yon, nakatingin sakin ng malamig hinawakan niya ang bewang ko at may binulong.
"Those guys are jerks and don't expect na may dahilan ang pag lagay ko ng jacket ko sa tyan mo."Malamig na sabi niya habang ang lamig ng titig niya sakin.
"Let's go."Sabi ni Kuya Darrel.
Binitiwan niya ako sa bewang at sumunod kila Kuya Darrel.
"Bes tara na!"Sabi ni Dave at hinawakan ang kamay ko at hinila ako pero nakatulala lang ako.
Anyari don? Di naman ako assuming! Tsaka hindi ko naman sinabi na ilagay niya jacket niya sa bewang ko!
Pumasok kami sa sinehan at naghanap ng mauupuan madilim sa loob at maingay dahil dipa naman nagsisimula ang papanuorin namin.
Umupo kami sa gitna ng mga upuan.
Hanggang pito lang yon makakaupo don kaya sa likod na lang kaming tatlo ni Dave at Evan.
Pagkaupo ko nabaling ko agad ang tingin ko kay Claude umupo siya sa dulo malayo samin.
Nasa harapan namin si Kuya Cedrick si Keira at si Kuya Tyler.
Keira, Kuya Cedrick, Kuya Tyler, Kuya Darrel, Kuya Aldrin, Kuya Kevin, at si Claude na nasa dulo.
Umirap na lang ako at kinausap yon dalawa.
Habang di pa naman nagsisimula ang movie.
"P.E pag lunes diba?"Tanong ni Evan habang kumakain ng popcorn nasa gitna nila ako.
YOU ARE READING
My Possessive Vampire (Book 3)
RomanceThis story is all about Ian Claude Salvador-Hunter and his brother's, relatives and friends the son of Ian Cooper Hunter and Elizabeth Amber Salvador-Hunter.