1

1.6K 25 0
                                        

--

--






Loving someone means holding on. Loving someone means enduring the pain.

Loving someone means respecting that someone. Loving someone means caring for that someone.

Who is that someone?

It can be your parents or your friend. It can be your boyfriend or your husband. It can be anyone.

So to me... that someone is... him.

Inamoy amoy ni Trisha ang hangin pagdaan ng mga kalalakihan sa harapan.

All of them were laughing about something. Habang ito namang kaibigan ko ay kinikilig na pati ang amoy nila ay nilanghap.

"Oh my gosh! So bango!"

Nilingon ko ang mga lalaking dumaan.

Nagtatawanan sila at mukhang pauwi na dahil wala na rin siguro silang klase.

And there... I saw him.

Sherwin Rafael Aldama.

He's laughing with his friends. Kahit nakatalikod at gilid lang ng mukha niya ang nakikita ko ay nasulyapan ko pa rin ang napaka ganda niyang ngiti. His eyes also looks happy.

Kitang kita sa anggulo ko ang tangos ng kanyang ilong, ang medyo magulo niyang buhok, at ang makakapal niyang kilay. Nakasabit ang kanyang bag sa isang balikat niya at pati paglalakad, sobrang gwapo.

"Huy, baka matunaw!" humalakhak si Trisha sa tabi ko.

Pinag initan ako ng pisngi sa sinabi niya at natantong masyado ko na namang tinititigan si Rafael.

Marahan kong kinalatukan ang noo ko at pinaalala sa sarili na mali itong ginagawa ko.

"Grabe, sayang, no? Kung wala lang sigurong girlfriend si Rafael, malamang niligawan mo na!"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Trisha. "H-Hindi naman gano'n, no!" tanggi ko agad. "Crush ko lang naman. Ba't liligawan? Tsaka ako pa talaga ang manliligaw?"

"Ano ka ba! Gano'n na ngayon," lumapit siya sa akin para bumulong. "Ang babae na minsan ang nanliligaw sa lalaki."

Kumunot ang noo ko.

"But anyway, seriously. Sayang talaga. Kung wala lang girlfriend si Rafael, tinukso tukso na talaga kita sa kanya para lang mapansin ka na!"

Umiling ako dahil imposible 'yon. "Hindi niya ako mapapansin..."

Kinuha ni Trisha ang baba ko at hinarap sa kanya. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

Tinignan niya ang buong mukha ko at tinagilid tagilid pa ang baba ko para lang matignan nang mabuti ang kagilid-gilidan ng aking mukha.

"Anong hindi? Maganda ka naman, ah? Kailangan mo lang ng kaunting ayos, you know?"

Ngumuso ako at umiling sa sinabi niya. "Umuwi nalang tayo."

Tumayo na ako. Hinabol niya pa ako at kung ano ano ang sinabi pero hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya.

Umalis kami sa school. Malapit lang ang apartment ko sa school kaya nakauwi rin ako agad. Si Trisha ay may sundo kaya naghiwalay din kami agad kanina.

Pagkauwi ko sa apartment ko ay umalis agad ako para magtungo sa coffee shop malapit lang sa school.

Doon ako nagpa-part-time. Ako nalang mag isa sa buhay kaya kailangan kong magtrabaho.

Nauubos na kasi ang allowance na iniwan ni Mama para sa akin at kailangan ko nang magbayad ng renta sa apartment tapos marami pa akong binabayaran sa school.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon