44

708 17 0
                                    

--

--




Rafael cooked some eggs, hotdog, ham, and bacon. May bread na rin sa lamesa at isang baso ng gatas. Hula ko para sa akin 'yon habang sa kanya naman ay 'yong mainit na kape.

"Let's eat."

Tumango ako pero bago kami magtungo sa hapag, muli niya akong hinalikan sa labi. Nagkatinginan kaming dalawa. My cheeks burned. His lips rose for a small smile and then he pulled me so we can eat.

Umupo ako sa hapag at siya naman sa harapan ko. Pinagmasdan ko ang mga niluto niya.

Marunong nga siyang magluto! Akala ko sa sobrang busy niya hindi na niya natututunang mag luto. Akala ko meron lang siyang pinapadalang helper dito para ipagluto siya o kali man umo-order siya online.

Nagsimula kaming kumain. Siya ang naglagay ng egg, bacon, hotdog, at ham sa plato ko. Kumuha nalang ako ng bread para makapag palaman na. May cheese din doon at hindi ko alam ano uunahin sa dami ng hinanda niya.

Itlog lang sapat na sa akin sa condo ko, e.

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Rafael maya maya.

"Uh... maglalaba. Uuwi ako ng hapon para makapag laba."

Tumango siya. "I'll drive you to your house."

"Paano mo nga pala ako tuturuan mag paint? Wala ka bang trabaho?"

"I have. Pero mamaya pa at maaga lang ang uwi ko ngayon 'cause it's the weekend."

Oh. Tumango ako.

"Will you sleep here tonight again?"

Napatingin ako kay Rafael. He smirked while I glared at him.

"Hindi pwede..."

Ngumuso siya. "Bakit hindi pwede?"

"M-May gagawin pa ako bukas..."

"Wala naman tayong gagawin kaya hindi ka mapapagod o mapupuyat."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Masyado ba akong nag assume na... mauulit 'yon? Pero bakit parang alam niya agad na iyon ang iniisip ko?!

May multo ng ngiti sa labi ni Rafael. Pakiramdam ko tuloy inaasar niya lang ako!

"K-Kahit na... Kailangan kong umuwi," sabi ko at nagbaba nalang ng tingin sa pagkain ko.

He chuckled a little. "Ano bang gagawin mo?"

"Bibili ng paso..."

"Saan?"

"Maghahanap pa ako ng ibang flower shops. Gusto ko naman sa iba bumili para matignan ko rin."

"You're still with designing plants?"

Tumango ako. "Pero minsan nalang kasi medyo busy na ako ngayon."

"Inaalagaan mo nalang?"

"Oo..."

Ngumuso ako nang maalala ang mga halaman ng Mama niya, ni Ma'am Solenn, na inaalagaan ko noon. Naalala ko rin tuloy 'yong mga araw na hindi na talaga siya nagpakita sa akin maski roon sa bahay nila.

"I saw every plants you designed in our home," si Rafael.

Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"It was all beautiful."

Sumimangot ako. "Pero hindi ka na nagpakita sa akin noong mga panahon na 'yon."

He chuckled. "Well, as I said, you wanted space so I gave it to you."

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon