--
--
Loving him was the best thing I did.
Kahit pa nagmahal siya ng iba.
Kahit pa hindi niya ako kailanman nakita.
Naniniwala kasi ako sa kasabihan na ang pag ibig walang kapalit.
Hindi ka dapat naghihintay ng kapalit kapag nagmahal ka. Kapag nagmahal ka, kahit hindi ka niya mahalin pabalik, mamahalin mo pa rin siya nang buong buo.
Para sa akin, gano'n ang tunay na pag ibig.
Pumalakpak ako at maliit na ngumiti nang nanalo ang team nina Rafael sa basketball.
Siya ang huling naka puntos kaya mas lalong naging masaya ang crowd.
Hindi naman seryosong laro iyon. Naglaro lang ang mga ka-batch namin sa college at kasama sina Rafael doon pati ang mga kaibigan niya. Naghati lang sila ng team.
Niyaya lang ako ni Trisha rito. Ni hindi ko alam na may laro pala sila kung hindi lang sinabi sa akin ni Trisha. Hindi ako makakanood kung wala itong kaibigan ko.
Maraming nag che-cheer na girls sa kanila. Halos lahat yata ng schoolmate namin ay nandoon para lang suportahan sila kahit hindi naman seryoso ang game.
Tumayo na ako para sana umalis na dahil tapos naman na yata ang game.
Tiningala ako ni Trisha na nakaupo pa sa bleachers.
"Oh, aano ka?" nagtataka niyang tanong.
Open area ang court na napili nila kaya hinangin ng malakas na hangin ang itim, straight at hanggang baywang kong buhok.
May itim na ponytail ako sa pulsuhan ko pero hindi ko pa muna inipit ang buhok ko dahil medyo mamasa masa pa kasi kanina. At ngayon paalis naman na kami.
"Uuwi na?" nagtataka ko ring tanong kay Trisha dahil iyon naman na dapat ang ginagawa namin ngayon?
Tapos na ang game. Ilang oras ding tinagal 'yon dahil mainit ang naging laban.
Pero para sa mga kay Rafael at sa mga naglaro ay hindi talaga 'yon seryoso kaya nagkakasiyahan lang sila habang naglalaro kanina sa court kahit na malapit lapit lang ang score.
Pero nanalo pa rin ang team nina Rafael at ng mga kaibigan niya.
"Alyana invited us to come to her birthday!" Trisha informed me.
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
She rolled her eyes. "Right! She invited me at sinabi niyang isama rin kita. I heard what happened at the coffee shop last last night! Why didn't you tell me?"
Medyo naguluhan pa ako sa sinabi niya.
Hinila niya ako paupo ulit kaya wala akong nagawa.
"Binully ka na naman ni Klariz? Yung babaeng 'yon talaga!"
"Pero... birthday ni Alyana? Ngayon?"
"Yes! She invited almost everyone. Sabi niya isama kita. Alam ko namang matagal na tayong magkaka-batch pero nagtaka pa rin ako na kilala ka niya by name so I asked her how did she know you. Sinabi niya sa akin ang nangyari noong nakaraang gabi. Kung hindi niya pa sinabi, hindi ko malalaman na binully ka na naman ni Klariz! Why didn't you tell me, Joan?"
Ngumuso ako.
Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang birthday ni Alyana o ang pagkwento sa kanya ng nangyari kagabi.
"Wala namang nangyaring masama. Sanay na ako kay Klariz," sabi ko.
"Hindi pwedeng sanay ka nalang! Ano ka ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...