--
--
Kumuha ako ng isang baso ng tubig sa ibaba ng condo ni Rafael. Medyo malaki ang condo niya at hindi ko pa masyadong kabisa 'yon dahil first time ko rito pero nahanap ko naman agad ang kusina.
Bumalik ako na may dalang isang baso ng tubig sa guest room. Saktong pagpasok ko ay kalalabas lang ni Rafael mula sa banyo. Nakapag bihis na siya noong hinanda ko. Gumewang pa siya at napasandal sa dingding kaya agad agad kong binaba ang baso sa side table ng kama at pinuntahan siya.
Inalalayan ko siyang tumayo ulit nang maayos. Umayos siya at naglakad papunta sa kama. Inalalayan ko pa rin siya hanggang sa makaupo siya. Kinuha ko ang isang baso ng tubig at dinala sa kanya.
"Uminom ka muna ng tubig..."
Tinignan niya 'yon. Kinuha niya ang tubig at uminom doon. Naubos niya. Binalik niya sa akin nang natapos. Binalik ko naman ang baso sa side table ng kama.
"Kaya mo bang maglakad sa kwarto mo?" tanong ko.
Ngumisi siya, namumungay ang mga mata. "Isn't this my room?"
"H-Hindi, Rafael. Guest room 'to. Pero... dito ka na nga muna siguro..."
Hindi ko na kayang alalayan pa ulit siya. Ang bigat bigat niya!
Lumapit ako kay Rafael at inalalayan siyang humiga.
"Magpahinga ka na..."
Bigla niyang kinuha ang kamay kong nasa balikat niya at sinama niya ako sa paghiga sa kama! Namilog ang mga mata ko lalo na noong yakapin niya agad ako at pinatong ang hita niya sa akin! He buried his face on my neck and breathe in there!
"R-Raf!"
Shit! Anong ginagawa niya? Halos hindi ako makahinga! Nanigas ako roon at gulantang na gulantang sa nangyari!
Sinubukan ko siyang itulak. Pero sa higpit ng yakap niya ay hindi ako nakawala. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg. His hand traveled from my waist to my stomach. Mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.
"Joan..." he whispered against my ear.
I literally stopped breathing. Hindi ako nakagalaw sa pagkakatigil. My heart... hurt. Hindi ko alam kung bakit.
He called me. He called for me. Alam niyang ako ang kasama niya. O tinawag niya ako... kasi lasing siya? Kapag daw lasing, hindi alam ang mga ginagawa. Kaya bakit... tatawagin niya ako?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na 'yon pero hindi muna ako gumalaw. Ilang minuto ang pinalipas ko. Tahimik lang ang paligid, tahimik ang lahat. Hinayaan ko siyang yakapin ako hanggang sa maramdaman ko ang bigat ng kanyang pag-hinga. Ibig sabihin lang no'n ay malalim na ang tulog niya.
Unti unti kong nilingon si Rafael. His eyes are already closed. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga. Gaano ba karaming alak ang ininom niya?
Dahan dahan at marahan kong kinuha ang kanyang kamay na nakayakap sa akin. Dahan dahan ko 'yong inalis sa akin. Nang magtagumpay ay ang hita niya naman na nakapatong sa akin ang dahan dahan kong inalis. Mabuti nalang malalim na ang tulog niya at hindi naman siya nagising.
Marahan akong bumangon. Nang makaupo sa kama ay nilingon ko si Rafael. Mahimbing na talaga ang tulog niya. Ilang sandali ko siyang tinitigan at pagkatapos marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Marahan ko ring inayos ang buhok niyang nagulo na. Tinitigan ko ang kanyang mukha.
Kung hindi ako nag OT ngayon, sinong maghahatid sayo pauwi? O may maghahatid ba sayo? Paano kung napa aga ang dating ng taxi kanina at hindi kita nakita? Edi doon ka sa kalsada natulog?
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...