39

710 15 1
                                    

--

--




Maaga akong gumising kinabukasan para magluto ng lunch ko. Magbabaon ako ngayon ng pagkain sa trabaho. Nakaka-tempt pumunta sa canteen kapag tanghalian dahil lagi nang nandoon ang paborito kong chocolate pero huwag nalang. Less hassle kapag nagbaon nalang ako.

Doon nga ako sa cubicle ko kumain nang mag lunch. Sinabihan ko na si Trisha kaya hindi niya na ako hahanapin. Mag isa ako roon habang kumakain at sabay sa pagkain ang paggagawa ng mga trabaho. Marami akong hindi natapos na trabaho kahapon kaya kailangan kong gawin ngayon.

Rafael:

Where are you?

Kanina pa siya text nang text. Hindi ko sinasagot kahit na sobrang gustong gusto ko nang mag tipa para manlang masagot ang tanong niya, hindi ko ginawa. Determinado ako ngayong pigilan ang sarili ko.

Patapos na akong kumain habang nagtitipa sa computer. Ngumunguya pa ako nang may maramdamang tao sa gilid ng cubicle ko.

"And why are you eating here alone?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Rafael. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko siyang nakapatong ang mga braso sa cubicle ko. Napatingin agad ako sa paligid dahil baka may makakita sa kanyang ganito ang posisyon sa pwesto ko! Wala namang tao dahil halos lahat ay kumakain sa canteen pero hindi pa rin dapat ako magpakampante!

Binalik ko ang tingin kay Rafael. May multo ng ngiti sa labi niya habang tinititigan ako. Nginuya ko ang natitirang pagkain sa bibig ko dahil ngayon ko lang natanto na hinarap ko siyang bunsol ang pisngi ko dahil sa pagkain!

"What are you eating?" he asked, smiling.

Nilunok ko ang pagkain at tinignan ang baunan ko. Natirang corned beef 'yon kagabi na sinangag ko sa kanin kaninang umaga tapos itlog din ulit ang ulam ko.

"C-Corned beef..."

"That again?"

Tumikhim ako at tinabi na ang pagkain. "A-Anong ginagawa mo rito?"

"You're not answering my texts."

"Ah... busy kasi ako, e," sabi ko at hinarap ang computer ko para malaman niyang busy talaga ako.

"And you're eating while working?"

"O-Oo. Marami kasi talaga akong gagawin..."

"Joan," he called me.

"Hmm?"

"Will you look at me?"

Shit. Kahit kinakabahan ay dahan dahan ko siyang tinignan. Nasalubong ko ang seryoso niyang mga mata. Ilang sandali kaming nagkatitigan.

"May I know what you're thinking?" he asked in almost a whisper.

Parang tinambol ang puso ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at bumalik sa computer ko.

"W-Wala naman akong iniisip. Trabaho lang..."

"Liar..."

Napalunok ako. "Marami akong gagawin ngayon, Architect Aldama, kaya puro trabaho ang iniisip ko."

"Architect Aldama?"

Hindi ako nagsalita. Nagulat nalang ako nang bigla niyang galawin ang swivel chair ko at pinaharap ako sa kanya! Yumuko siya para pumantay sa mukha ko at nanlalaki ang mga mata ko. Tinitigan ko ang napaka gwapo niyang mukha.

"I said call me... by my name," he said huskily.

"N-Nasa opisina tayo kaya... dapat lang na tawagin kita nang pormal, Architect..."

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon