--
--
Nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw. Naramdaman ko agad ang sakit sa buong katawan ko.
I slowly opened my eyes and looked around. Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman ko ang isang mabigat na braso na nakatapong sa baywang ko. I also felt something heavy on my legs.
Lumingon ako sa likuran at nakita ang maamong mukha ni Rafael na natutulog. Ilang saglit ko pa siyang tinitigan, inaalala ang mga nangyari kagabi. Uminit ang pisngi ko nang natanto ang posisyon naming dalawa. Hindi lang ang braso niya ang mabigat, ang paa niya rin na nakapatong sa akin na para bang ayaw niya na akong pakawalan.
I felt... sore... down there.
Sinubukan ko ulit gumalaw pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya akin. He hugged me so tightly. I sighed and just remained lying down.
Tinitigan ko ang mukha ni Rafael. Maamo pala ang mukha niya kapag natutulog. Pero kapag gising naman ay akala mo laging galit. Ngumiti ako at hinayaang makawala ang mga kamay. Marahan at mabagal kong hinaplos ang pisngi niya pababa sa kanyang panga. Napaka gwapo niya. Hindi yata ako magsasawang titigan siya nang ganito kahit abutin pa ako ng ilang oras.
Ngumuso nga lang ako nang maalala ang nangyari kagabi. He was... so ruthless. He tried to be gentle but he still couldn't stop himself. My whole body hurts, especially down there, but then... I love everything that happened between the two of us last night. I love every bit of it. Wala akong pinagsisisihan. Masaya ako... na sa kanya ko binigay ang sarili ko.
Ilang minuto ko pang tinitigan si Rafael. I love this man so much. Pakiramdam ko hindi na ako makakapag mahal pa ng iba na higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Kasi 'yong sa kanya... mas lalong lumalalim, at patuloy na lumalalim na wala nang makakatapat doon. I am so happy that I loved him. Masayang masaya akong siya ang pinili ng puso ko. Kahit kailan hindi ko pagsisisihang minahal ko siya.
"Done staring?"
Namilog ang mga mata ko nang biglang magsalita si Rafael. Gising siya?!
He slowly opened his sleepy eyes and smirked at me. Nawala na ang maamo niyang mukha!
"Good morning..."
Uminit ang pisngi ko. "B-Babangon na ako..."
He closed his eyes again and hugged me tightly. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at pinatakan ako ng mga halik doon.
"Give me a minute, please?" he said huskily.
Ngumuso ako. "N-Nagugutom na ako..."
"Hmmm... What do you want to eat?"
"Titingin nalang ako sa ref mo at ako na ang magluluto."
He opened his eyes again and looked at me. "I'll cook. I know you're still sore..." he said a bit playfully.
Hinampas ko ang braso niya. Humalakhak siya.
"Marunong ka naman bang magluto?"
"Mm-mm..." tanging sagot niya.
"Edi tara na. Nagugutom na ako."
Ilang sandali pa siyang nanatiling gano'n. Until he kissed me on the cheek and then he finally got up. Bumangon na rin ako at mas lalong naramdaman ang sakit sa aking ibaba. Rafael's hand immediately slid on my stomach. He hugged me and whispered on my ear.
"I'm sorry..."
Ngumuso ulit ako at hindi na nagsalita. Sinubukan kong tumayo at noong una napapikit pa ako pero nang nagtagal tagal ay nakaya ko naman. Natanggal ang kamay ni Rafael sa baywang ko dahil tuluyan na akong tumayo.
Hindi ako makatingin sa kanya sa kahihiyan. Malinaw na malinaw pa sa akin ang mga ginawa namin, lalo na ang mga ginawa niya, sa isip ko!
"T-Tara na..."
He chuckled and finally stood up. Pumasok ako sa banyo para mag ayos ng sarili. He also did the same pero mabilis lang siyang natapos. He kissed me on my lips before he went out to cook some breakfast for us. Uminit ang pisngi ko dahil hindi pa ako nagto-toothbrush!
Mabuti nalang meron siyang stuck ng toothbrush doon at sinabihan niya akong 'yon nalang ang gamitin kaya iyon nga ang ginawa ko. Kumuha na rin ako ng damit niya sa walk in closet para masuot ko pagkatapos maligo. Wala akong dalang damit! Pero kagabi nakapag pabili siya ng... mga panty kaya meron akong gagamitin ngayon. Pero walang damit!
White t-shirt niya ang sinuot ko. Sobrang laki no'n sa akin gaya nalang noong longsleeve. Hanggang taas din ng tuhod ko ang haba. Kaya hindi na ako nagsuot ng shorts kasi tingin ko okay naman na 'yon.
Lumabas ako ng kwarto. Malaki ang condo ni Rafael pero dahil nakapunta na ako rito noong nalasing siya ay alam ko na kung nasaan ang kusina.
Pero bago ako makababa, napatingin ako sa isa pang pintuan na hindi ko pa natitignan nang maayos. Tatlo ang pintuan niya at nasa dulo itong kwarto niya. Sa unang kwarto naman ay ang guest room. Yung pangalawa... hindi ko pa nakikita ang loob. Madilim 'yon noong una kong punta rito, noong lasing si Rafael, kaya hindi ko alam ang itsura. Alam kong baka guest room lang din 'yon pero parang may nagtutulak kasi sa aking buksan ang kwarto at tignan pa rin.
Naglakad ako patungo sa gitnang kwarto at dahan dahang pinihit ang doorknob. It wasn't locked. I opened it and I was immediately welcomed by the sun's light. Sobrang liwanag sa kwarto na 'yon 'di gaya ng master's bedroom at guest room na may kurtina ang malaking bintana.
Nalaglag ang panga ko nang makita ang iba't ibang klase ng paintings na nakasabit sa ding ding. May mga canvas din na nakalagay sa mga wooden painting stands. Nagkalat naman ang mga colorful paint at brushes sa sahig. Some plants are on the balcony sa labas at meron din sa loob. Iba't ibang uri ng halaman at bulaklak ang naroon na siya sigurong pinipinta sa canva.
Different flowers and plants were painted. Nakasabit sa dingding lahat ng tapos nang nakapinta at sobrang ganda ng lahat ng 'yon! Sobra akong namangha at nagpaikot ikot para tignan lahat ng paintings.
Hanggang sa mapadpad ang mga mata ko sa isang malaking canva na natatakpan ng isang kulay cream na kurtina. Malaking malaki 'yon. Mas malaki pa sa akin. Mahaba at nakapahiga. Gusto kong puntahan pero natigilan ako nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.
"What are you doing here?" it was Rafael. He kissed my ear and smelled it.
Kinagat ko ang labi ko. "Tinitignan ko lang. Sorry, pumasok ako..."
He chuckled and put his chin on my shoulder. "You can do whatever you want in my house. This is now yours, too..."
Ngumuso ako sa sinabi niya. Sabay naming pinagmasdan ang napaka laking painting sa harapan pero natatakpan ng kurtina.
"Painting din ba 'to?" tanong ko.
"Hmmm... sketch."
"Bakit nakatakip?"
"It's not done yet. And it's a secret for now."
Mas lalo akong ngumuso at tumango nalang.
"Do you like these?"
Tumingin ulit ako sa paligid. "Oo. Sobrang ganda. Meron pang tulips..."
Pinagmasdan ko ang isang kulay pulang tulips na nasa painting at nakasabit sa dingding.
"Ikaw ba lahat gumawa nito?"
"Uh-huh..."
Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na nagpipinta nga pala siya. Nabanggit 'yon ni Ma'am Solenn dati.
"Ang galing mo. At ang dami ring halaman dito!"
He chuckled. "You can paint them, too."
Ngumuso ako. "Hindi ako marunong mag paint."
"Tuturuan kita. But for now..." he hugged me tightly. "Let's eat first. I'll teach you how to paint after we eat."
Ngumiti ako at tumango.

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...