--
--
Lumabas ako ng kotse at pinuntahan ang guard na nasa labas ng parking. Nakita ko siya kanina na noong papasok ako kaya pinuntahan ko at nanghingi ako ng tulong. Mabuti nalang pumayag siya agad.
"Naku, si Mr. Aldama pala ito..." anang guard.
Buhat buhat na namin si Rafael na wala pa ring malay. Ang bigat niya! Mas mabigat pa nga yata siya kahit magsama kami ni manong guard!
"Pwede po bang patulong din hanggang sa floor niya po? Alam niyo po ba ang floor niya?" tanong ko.
"Pwede tayong magtanong doon sa loob, Ma'am. Tara po."
Sumunod ako sa guard. Nagtanong nga siya sa loob at sinabi agad sa amin ang floor ni Rafael. Nahanap ko rin kasi ang keycard sa wallet niya kaya madali nalang 'yon. Sinamahan din kami ng isang babaeng receptionist.
Pagpasok palang namin sa condo ni Rafael ay alam ko na agad na malaki 'yon. Para na 'yong bahay! Pero wala na akong panahon para mamangha pa dahil ang bigat bigat na talaga ni Rafael. Tinulungan na rin kami ng receptionist alalayan si Rafael hanggang sa sofa. Binagsak namin siya roon.
Hiningal ako. Nagkatinginan kami ng guard.
"Uh, Ma'am. Kayo nang bahala kay Sir, ah? Mukhang kakilala niyo naman siya."
Napatitig ako kay manong guard. Bakit ba lahat nalang sila pinapaubaya sa akin 'to? Pero tinulungan na nila ako. Sapat na ang tulong nila. Wala na silang responsibilidad kay Rafael ngayon.
Tumingin ako sa receptionist. Nahihiya siyang ngumiti. "Ipagkakatiwala namin siya sayo, Ma'am. Alagaan niyo si Sir, ah? Aalis na po kami!"
Agad agad na silang umalis. Naiwan ako roon mag isa kasama ang lasing na si Rafael. Bumuntong hininga ako at inayos ang posisyon niya sa sofa pero natanto kong masyadong maliit ang sofa para sa kanya. Sobrang tangkad niya at sobrang laki ng katawan. Nakaka awa kung dito ko lang siya ilalagay!
May second floor ang condo niya. Sobrang laki naman ng condo na 'to! At siguradong nandoon pa ang kwarto niya!
Wala akong magawa kaya niluhuran ko si Rafael.
"Rafael..." marahan kong gising.
Hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakapikit. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang tinapik. Amoy siyang alak.
"Raf... gising..."
Hindi pa rin nagising.
"Rafael..." inalog ko siya.
Wala pa ring response.
"Rafael," mas malakas kong yugyog.
"Mmm..." gumalaw siya sa wakas at bahagyang kumunot ang noo.
"Rafael, gising. Kailangan mong pumanik sa kwarto mo. Hindi ka magiging komportable rito..."
His drunk eyes opened. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Bahagya akong tumayo at hinila ang braso niya.
"Pumanik na tayo sa kwarto mo..." sabi ko.
"Hmm..."
Inalalayan ko siyang umupo. Sumunod naman siya at namumungay ang mga matang tumingin sa akin. His forehead furrowed. Hinawakan ko ang magkabilang tagiliran niya.
"Tayo ka..."
Hinawakan ko ang braso niya at sinabit sa batok ko. Pero dahil mabigat siya ay ako ang nadala niya imbes na siya ang madala ko! Na-out of balance ako at hindi sinasadyang napaupo sa mga hita niya! My eyes widened.

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...