45

796 14 0
                                    

--

--




Sa loob ng maraming taon, naging masaya ulit ako nang sobra. Kung uulitin man ang mga nangyari, siguradong pareho pa ring desisyon ang gagawin ko. Ibibigay ko pa rin ang sarili ko sa kanya.

Gano'n na yata ako ka-baliw. At wala akong pagsisisihan. Wala na akong ibang minahal kundi siya at nakita kong mabuti siyang tao, kaya dapat lang na sa kanya ko ibigay ang sarili ko.

Kahit na nag aalala pa rin ako sa mga magiging reaksyon ng lahat, masaya pa rin akong nakasama ko siya noong araw na 'yon at noong kinabukasan din. Tinuruan niya nga akong magpinta. Saglit lang at pagkatapos no'n pumasok na siya sa trabaho at umuwi noong ihahatid niya na ako sa condo ko.

Nang mag Lunes balik na sa trabaho. Inasahan ko na ang pangungulit ni Trisha sa araw na 'yon dahil wala akong kinukwento sa kanya kahit sa text.

"Anong nangyari? Dali na! What happened? Mag kwento ka!"

Mahabang kwentuhan 'yon kaya naubos ang oras namin noong lunch. Hindi niya talaga ako tinigilan. Nadi-distract nga lang ako minsan dahil nasa harapan lang namin ang table nina Rafael at nakatitig siya sa akin.

"Meron? Meron nga? Merong nangyari?" sunod sunod na tanong ni Trisha.

Unti unti akong tumango habang nag iinit ang pisngi. Tumili siya. Napatingin sa amin ang lahat! Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang hinawakan sa braso para patigilin. Napatakip siya sa bibig niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Napatingin ako sa paligid at nagsorry sa mga nasa malapit. Nagpatuloy naman sila sa pagkain pero halatang na-istorbo dahil sa tili ni Trisha!

Napatingin naman ako sa table nina Rafael at nakita ko siyang nakatitig pa rin. There was a small smile on his lips. Mas lalong nag init ang pisngi dahil pakiramdam ko alam niya ang sinabi ko sa kaibigan ko kaya gano'n ang naging reaksyon nito!

"Oh my gosh, Joan!" pigil na pigil na ngayon ni Trisha ang tili niya.

"M-Mamaya na natin pag usapan," sabi ko at bumaling sa pagkain ko.

"After all these years? Parang dati crush mo lang siya tapos ngayon?!"

"Trisha... Mamaya na natin pag usapan."

"Hindi, e! Akalain mo 'yon?! Meron pala talagang feelings na nagla-last nang maraming taon?! O baka naman pagkatapos ka niyang makuha, end na?!"

Tinignan ko siya sa sinabi niya. "H-Hindi ganyan si Rafael..."

Bigla siyang ngumiti. "Yes. Yes. Alam ko naman! Jino-joke lang kita! Face to face ko ba naman siyang makita maging beast pagkatapos mong makipag sayaw sa ibang lalaki..." bulong bulong niya sa huli.

"H-Huh?"

"Wala! Ang sabi ko, ang ganda mo, teh! Blooming ang face mo!"

Ngumuso ako at kumain nalang ulit. Maingay siya kaya mamaya na kami mag usap!

Nag angat ako ng tingin kay Rafael. He's eating but he's looking at me from time to time. Hindi ba siya napapagod titigan ako? Baka mamaya iba na ang makain niya sa plato niya kasi sa akin nalang siya lagi nakatingin.

Pagkatapos namin kumain hindi na naman matigil tigil si Trisha. Ang dami dami niyang sinasabi at minsan bulgar pa ang mga salita niya kaya nahihiya ako.

"Hiyang hiya? Feeling virgin 'to!" hinampas niya ako.

Mas lalo lang akong nahiya! Buti nalang wala pa masyadong tao sa opisina at mahina lang ang boses niya. Matalim ko siyang tinignan. Tinakpan niya ang bibig niya at mahinang humalakhak.

Masaya akong nagtrabaho sa araw na 'yon. Sa sobrang saya ko natapos ko agad ang nagkakapalang papers sa table ko. Nag inat inat ako nang mag break time noong hapon. Nagsi-alisan ang ibang kasamahan ko para kumuha ng kape o kumuha ng pagkain sa canteen.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon