--
--
I wanted to chase him, but I couldn't. Natatakot ako na baka... ilang taon na naman ang abutin bago ko ulit siya makita kapag hindi ko siya hinabol. Pero para akong napako sa kinatatayuan ko.
Ang selfish selfish ko. Sinaktan ko na naman siya. Bakit ba palagi nalang... may nasasaktan ako? Baka nasa akin talaga ang problema? Baka ako talaga ang problema? Baka ako talaga ang dahilan kung bakit sila nagugulo at nasasaktan? Mas makabubuti ba kung... mawala nalang ako? Mas magiging maayos ba ang lahat kung... magpapaka layo layo nalang ako?
But I can't. I can't... leave him. I don't want to leave him. I still want to see him every day. I still want to be with him every day. I don't know how but... I want to. I badly want to.
Pero ang sabi niya... bibigyan niya ulit ako ng space. Does that mean... hindi na ulit siya magpapakita sa akin? Hindi ko na ba ulit siya makikita? How many more years will pass... that I won't see him again? Iiwasan niya ba ulit ako?
Hindi pwede 'yon. Ayaw kong mangyari ulit 'yon! Kailangan ko siyang makita. Hindi niya ako pwedeng iwasan! Siya at si Trisha nalang ang meron ako. Ayokong isa sa kanila ang mawala pa sa akin!
That's why I tried to find him the next day. Umagang umaga palang ay lumilinga na ako sa dinadaanan ko, nagbabaka sakaling makita si Rafael. Kaya lang nakarating na ako sa opisina ko't lahat, ni hindi ko manlang nakita ang anino niya.
Pero hindi agad ako nawalan ng pag asa. Meron pang lunch! Siguradong kakain ulit siya sa canteen. Susubukan ko siyang kausapin kapag tapos na siyang kumain at kapag lumabas na siya ng canteen.
Kaya lang nang dumating ang lunch, hindi ko nakita sa kahit saan si Rafael. Dumating ang mga kaibigan niya sa canteen na madalas niyang kasabay, pero siya hindi ko nakita. Ilang minuto akong naghintay, nagbabaka sakaling na-late lang siya dahil busy, pero wala. Walang bakas ng Rafael Aldama sa kahit saan.
Mayroon ulit sa mga pagkain noong paborito kong chocolate pero hindi na ako nagawang pasayahin no'n dahil sa mga oras na 'to, hindi 'yon ang hinahanap ko.
Iiwasan niya ba talaga ulit ako? Seryoso ba siya?
Hindi ako papayag!
Binilisan ko ang pagkain ko at nang natapos ay agad nagpaalam kay Trisha. Pumanik agad ako sa fifth floor. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong magpunta ngayon sa office niya pero bahala na!
Secretary niya ang bumungad sa akin pagkarating ko sa harap ng opisina niya.
"Yes, Ma'am?" nakangiti agad ang secretary.
"Uhm... nasa loob ba si Architect Aldama?" tanong ko.
"Yes po. May kailangan po ba kayo sa kanya?"
"G-Gusto ko sana siyang makausap. Free ba siya ngayon?"
"Naku, sorry, Ma'am. Pero kabilin bilinan po kasi ni Architect na walang pwedeng gumambala sa kanya habang kumakain siya ng lunch. And he's busy with phone calls din po kasi, e..."
"G-Gano'n ba..."
"Kung may sasabihin po kayo, pwede niyo pong sa akin nalang ipasabi para ako nalang po ang magsasabi kay Architect pagkatapos niyang kumain."
Umiling ako at pilit na ngumiti. "A-Ayos lang. Uh, babalik nalang ako mamaya..."
Nadismaya ako. Pero... pwede pa naman akong bumalik mamaya. Knowing that he's just there behind that door, hindi dapat ako mawalan ng pag asa!
Hindi ako makapag focus sa trabaho ko. Hindi ako mapakali. Tingin ako nang tingin sa oras. Pakiramdam ko napaka bagal ng oras sa mga oras na 'yon. Kaya naman nang mag break-time, sinamantala ko agad 'yon para umalis at pumanik ulit sa fifth floor.
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...