--
--
Nag enjoy ako sa bahay nina Rafael. Kahit gabi na no'n, pagkatapos naming kumain, sinamahan pa rin ako ni Ma'am Solenn sa likod-bahay at pinakita sa akin ang mga halaman niya. Nalaman niya kasi na gusto ko ulit makita ang mga halaman.
Nandoon pa rin ang mga ginawa kong halaman, alagang alaga niya pa rin. Ang limang boxwoods na ako ang nag-design nandoon pa rin. Lumaki na 'yon at siguro nakahanap na siya ng ibang taga design pero masaya akong nakita ko ulit 'yon dahil isang beses sa buhay ko, nagawa kong i-design 'yon.
May ilaw roon at talagang sobrang ganda. Ang daming iba't ibang klase ng bulaklak. Buong garden na nga 'yon gaya ng sinabi ni Rafael at sobrang nakakatuwa! Gusto ko nga ulit bumalik bukas para makita ko nang maliwanag pero may trabaho na ulit ako at gano'n din si Rafael. Bibisita nalang ulit kami kapag may free time na ulit.
Umingay ulit sa bulungan ang mga kasamahan ko pagdating ko sa trabaho. Syempre nakita na nila ang kumakalat na mga pictures ngayon at hindi ko sila masisisi kung pag uusapan ulit nila ako. Tahimik nalang akong umupo sa upuan ko at nanahimik.
Akala ko may maririnig na naman akong hindi maganda tungkol sa akin. Pero ikinagulat ko ang paglapit ng ilan sa mga kasamahan ko at ngumiti pa.
"Hi, Joan!" bati ng isa.
"H-Hi!" bati ko rin.
"Narinig namin ang balita about sainyo ni Architect Aldama. Nakita rin namin ang mga pictures! Bagay na bagay kayo!"
Mas lalo kong ikinagulat 'yon. Bagay na bagay kami? Ni Rafael?
"Uhm..." hindi ko alam ang sasabihin.
"Magkwento ka naman! Kaya lang work time na ngayon. Sabay ka kaya sa amin mamaya maglunch? Alam mo na, chika chika!" they laughed a little and nodded at me.
Nakakapag taka. Bakit biglang ganito sila sa akin? Dati ay parang halos ayaw nila akong kasama rito. Ngayon gusto pa nila akong makasabay mag lunch?
"Uh..." sasagot na sana ako nang biglang dumating si Trisha.
"Excuse me! Excuse me!" hinawi niya ang mga kasamahan ko roon na nakaharang sa cubicle ko.
Isa isa silang tumabi at tumingin kay Trisha, medyo inis. Tinalikuran ako ni Trisha para harapin sila. Humalukipkip siya. Tumayo naman ako para hawakan siya sa braso.
"Sabay ba kamo maglunch? Hindi pwede! Kami ni Joan ang sabay mamaya at sa mga susunod pa."
"Trish..." bulong ko.
"Kaya kayo kayo nalang ang magsabay. Marami naman kayo, e," she smiled at them.
Nagsenyasan ang mga kasamahan ko at unti unting umalis para bumalik sa mga pwesto nila. Malalim akong bumuntong hininga at kahit nagpapasalamat ako na dumating si Trisha, medyo hindi pa rin maganda ang tono ng pakikipag usap niya sa kanila.
Umirap si Trisha sa hangin at tinignan ako. "I can't believe you. Parang papayag ka na kanina, ah? Makikichismis lang ang mga 'yan!" bulong niya.
"Hindi naman ako papayag. Sasabihin ko sana 'yong sinabi mo, na kasabay na kita sa lunch. Pero sa mahinahon na tono, hindi sa pagalit!"
She smiled fakely. "Gano'n dapat makipag usap sa mga plastik."
Napailing ako at umupo nalang ulit.
"Halata namang nagpapanggap lang ang mga 'yan para makasagap ng balita at mapalapit na rin sayo kasi totoong ikaw na nga ngayon ang girlfriend ni Rafael! Hindi mo pa ba alam ang mga tactic niyan?"
Hindi ako nagsalita.
"Kita mo? Bumait agad, e, noong mga nakaraan lang halos irapan ka niyan!"
Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko 'yon at nakitang may text galing sa isang unknown number.

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomantizmSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...