2

1.1K 21 0
                                        

--

--






Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta natagpuan ko nalang ang sarili kong laging napapatingin kay Rafael sa tuwing dadaan siya o sa tuwing naririnig ko ang boses niya.

Palagi ko naman siyang nakikita. Pareho kami ng school simula pa noong high school.

Kilala siya halos ng lahat dahil bukod sa gwapo at attractive talaga, kilala rin ang pamilya niya, ang mga Aldama, sa ilang lugar dito sa Pilipinas. Pero mas kilala sila rito sa Manila.

Paggising ko isang araw, gusto ko na siya. Parang... crush, gano'n. Pero hindi naman gano'n kalalim. Crush lang talaga.

Noong naging sila ni Alyana, inaamin ko nagselos ako at nalungkot. Pero hanggang doon lang 'yon. Wala akong balak kulitin siya, o akitin manlang siya dahil hindi naman ako gano'n.

Lalo na ngayon na may girlfriend na nga siya. Bukod kasi sa hindi talaga ako gano'ng klase ng babae, abala rin ako sa trabaho ko at pag aaral ko. Wala akong panahon para roon.

Matagal na sila ni Alyana. Siguro mag t-two years na sila? Pakiramdam ko nga hindi na sila maghihiwalay, e.

Hindi naman sa hinihiling kong maghiwalay sila. Feeling ko lang talaga sila na para sa isa't isa.

Mabait naman kasi si Alyana at sikat din ang pamilya niya gaya ng mga Aldama kaya kilala rin siya ng lahat. Bagay na bagay sila.

Playboy noon si Rafael. Iba iba lagi ang babaeng kasama. Linggo linggo yata siyang nagpapalit ng babae. At lahat ng 'yon, nag aaway away para lang sa kanya.

Pero noong nakilala niya si Alyana, tumino siya. Kaya malakas talaga ang pakiramdam ko na sila na para sa isa't isa.

At okay lang sa akin 'yon. Not that anyone is asking for my opinion. Crush ko lang talaga si Rafael.

Inabot ni Trisha ang isang maliit na papel sa akin.

"Ito! 'Yan!"

Nakasulat doon ang pangalan ng mga librong kailangan niya sa library.

Binasa ko 'yon at tinanguan.

"Sorry talaga! Libre kita mamaya! Nagdadabog na kasi 'yong leader namin sa research. Kailangan ko nang tumulong kundi bagsak ako nito!"

Natawa ako sa kanya at tumango.

Pupunta rin naman ako sa library ngayon para gawin ang assignment ko.

Magulo ngayon sa classroom namin dahil marami silang ginagawa kaya mas mabuting sa library ko nalang gawin.

Hindi ko kasi nagawa kagabi sa sobrang pagod ko. Pinagalitan pa ako ng boss ko dahil sa nangyari doon kila Klariz.

Tsaka mabuti nalang tapos ko na ang mga kailangan kong gawin doon sa research namin kaya hindi na ako kailangan dito.

Binasa ko ulit ang title ng libro sa maliit na papel at tiningala ang mataas na shelf.

Napa awang ang labi ko nang makita kung gaano kataas 'yon. Hindi ko yata maaabot ang libro sa sobrang taas!

Kahit alam kong hindi ko maaabot ay sinubukan ko pa rin.

Tinaas ko ang kamay ko at parang tangang inabot ang libro kahit hindi naman umaabot!

Tumingkayad pa ako at tinaas ulit ang kamay pero halos daliri ko lang ang dumikit doon.

"Need help?"

Tahimik sa buong library kaya naman halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita!

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon