38

642 13 0
                                    

--

--




Para akong nagising sa katotohanan nang marinig ko ang secretary ni Rafael. Namilog ang mga mata ko at agad agad tinulak si Rafael pero mabilis niyang nahila ang baywang ko palapit ulit sa kanya at pumikit siya nang mariin.

"Fuck..."

"S-Si Alyana..." sabi ko.

Binitawan ako ng isang kamay niya at pinindot niya ang intercom. Hawak pa rin ako ng isang kamay niya sa baywang ko kaya hindi ako makawala.

"Tell her to wait. I'm in the middle of my meeting..." he said then faced me.

Hindi na ako makatingin sa kanya. Alyana's outside. Dapat niyang papasukin si Alyana. At hindi niya dapat ako makita rito pero... nandito na ako. Kailangan ko nang lumabas.

"Give me your number."

"H-Huh?" napatingin ako kay Rafael. "Bakit pa..."

Nilabas niya na ang cellphone niya hindi pa man ako tapos magsalita at nilahad sa akin 'yon. Tumitig lang ako roon.

Rafael licked his lips. "Joan..."

"Naghihintay si Alyana sayo..."

"I'll get her inside after you give me your number."

Nagbaba ulit ako ng tingin sa cellphone niya. Tumango ako at kinuha 'yon para ilagay na roon ang number ko. He sighed heavily and started kissing my ear again. Halos manginig ang kamay ko habang nagtitipa sa cellphone niya.

"T-Tapos na," sabi ko sabay iwas ng mukha ko at lahad ng cellphone.

Tumitig siya sa akin pero hindi na ako makatingin. Kinuha niya ang cellphone. Umatras ako at binitawan niya naman ako. Tinalikuran ko siya. Gusto ko nang umalis.

Biglang tumunog ang cellphone ko hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob. Kinuha ko 'yon at tinignan. Unknown number ang tumatawag pero alam ko agad na si Rafael 'yon. Naniniguro ba siyang number ko talaga ang binigay ko?

"I'll see you tomorrow," narinig kong sinabi ni Rafael.

Hindi ko siya nilingon. Sa boses niya ay mukhang nandoon pa rin siya sa pwesto niya kanina, hindi umalis.

I sighed heavily and opened the door. Agad kong nakita si Alyana sa labas sa may sofa na naghihintay. Sinarado ko ang pintuan. Napatayo siya at natigilan nang makita ako. Sa itsura niya ay para bang hindi niya inaasahang ako pala ang "ka-meeting" na sinasabi ni Rafael. Sino ba namang mag aakala na ako ang nasa loob?

Alyana's wearing a very elegant sky blue dress with her white shoulder bag. Nakalugay ang makintab at mukhang mabango niyang buhok. Ilang sandali kaming nagkatitigan. Kabado ako at guilty dahil alam ko ang ginawa ni Rafael kanina tapos... ngayon... kaharap ko ang fiance niya. Para akong nakagawa ng isang malaking pagkakamali.

Bakit ba palagi nalang ganito?

Lumapit si Alyana. "Ikaw ang... ka-meeting ni Rafael?"

Lumunok ako. "Uh, oo..."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pansin ko rin ang titig niya sa buhok ko.

"Ikaw lang?"

"O-Oo. May mga inutos lang si Architect. Uhm, excuse me," sabi ko at nagmamadali nang umalis.

Nakalimutan kong ayusin ang sarili ko pagkatapos ng mga nangyari. Medyo nagulo pala ang suot kong blouse at ang buhok ko dahil sa... pag amoy amoy ni Rafael doon. Pinag initan ako ng mukha. Baka kung anong isipin ni Alyana! Pero... hindi niya naman siguro napansin, 'diba?

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon