25

621 11 0
                                    

--

--




Wala nga si Rafael nang nasa coffee shop ako. Tumawag naman siya kanina at nag usap lang kami sandali.

Tama nga ako na marami siyang gagawin ngayon kaya tama lang na pinagbawalan ko muna siyang ihatid ako. Masyado siyang makulit at matigas ang ulo. Hindi ko alam na ganito pala siya. I suddenly wonder if he was also like this towards Alyana?

Naalala ko, kahit na crush na crush ko siya noon, hindi ko maitatangging bagay na bagay talaga sila ni Alyana. They're perfect for each other.

Maganda, matalino at mayaman si Alyana. Gwapo, matalino at mayaman din si Rafael. Parehong kilala ang pamilya. Pareho sila ng mundong ginagalawan. Pareho sila ng mga kaibigan. Parehong pareho sila... bagay na bagay. Kaya hindi na talaga nakakapag taka na naging sila at inabot ng dalawang taon. At hindi na rin nakakagulat na maraming nanghihinayang ngayong wala na sila.

Tapos na ako sa trabaho nang makatanggap ng mensahe galing kay Rafael. Pagod kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng locker. Nakapag bihis na ako at aalis na. Nakapag linis na sa buong coffee shop. Wala nang tao. Ako nalang. Ako kasi ang magsasara ngayon.

Rafael:

Take care, okay? Text me when you're home. I'll call you.

Bahagya akong ngumiti sa text niya.

Joan:

Okay...

Lumabas na ako at ni-lock ang coffee shop. Tahimik na sa labas at kaunting sasakyan nalang ang dumadaan. Sasakay ako ng tricycle. Meron pa naman niyan kahit ganitong oras na. Yung iba ay kakilala ko rin kaya alam kong safe ako.

Natapos akong mag-lock. Sinigurado kong naka ayos ang lahat bago ako tumalikod at maglalakad na sana para maghanap ng tricycle.

Napatigil lang nang bumungad sa akin si Alyana sa malayong harapan. Immediately stopped when I saw her. She looked at me with indifference in her eyes. Nakasuot siya ng pink dress at white sneakers. May sling bag sa kanyang kanang balikat. Mag isa siya. Nakatayo lang siya roon na para bang kanina niya pa ako hinihintay.

Nakita ko siya kanina sa loob. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Pero hindi ako nalalapit sa table nila dahil maraming tao at abala rin ako sa paglilinis at pagtatapon ng basura. Pero pansin ko na no'n ang titig niya sa akin. Hindi ko lang inakala na hihintayin niya ako at haharapin ngayon dito mismo.

"Alyana..." sabi ko at nag aalangang naglakad.

"You know why I'm here," agad niyang sinabi.

Tumigil ako at tinitigan ang mga mata niya. Parang dinurog ang puso ko nang makita ang malaking pagbabago sa paraan ng titig niya sa akin ngayon.

"Is that true?" she asked.

Alam ko agad ang ibig niyang sabihin. Hindi ako nakasagot. Natawa siya na para bang alam na agad ang sagot dahil sa katahimikan ko.

"Hindi ako naniniwala sa mga nagsasabing ikaw ang pinopormahan ni Rafael. Bukod kasi sa masyado naman yatang mabilis, akala ko rin magkaibigan na tayo..."

My heart ached.

"You like him?" tanong niya.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin sa kanya ang totoo. Huminga siya nang malalim.

"Will you answer me?" nanginig ang boses niya.

Para akong sinaksak. Unti unti akong tumango bilang sagot.

She gritted her teeth. "Kailan pa?"

"S-Since highschool..."

"And did you plan on stealing him from me?"

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon