14

728 17 1
                                    

--

--






Hindi ko alam kung tama bang pumayag ako.

Gusto niyang turuan ko siya sa pagde-design ko sa halaman.

Hindi ko alam kung talaga bang interesado siya roon. Hindi halata sa kanya na mahilig siya sa mga halaman. Siguro dahil kay Ma'am Solenn kaya nahiligan niya na rin?

Ngumuso ako habang pinapanood si Ate Vicky na dalhin ang isang panibagong gloves para kay Rafael.

Nilapitan agad ni Rafael ang maliit na lamesa kung nasaan ang mga gamit at sinuot ang gloves.

Nangingiti si Ate Vicky. Tumingin siya sa akin tapos kay Rafael. At pagkatapos sa akin ulit.

Makahulugan ang tingin niya pero hindi ko naintindihan ang gusto niyang iparating kaya kumunot ang noo ko.

Humarap si Rafael sa akin nang tapos niya nang suotin ang gloves

"Shall we start?"

Umayos agad ako ng tayo at tumango sa kanya.

Ngumiti si Ate Vicky. "Maiwan ko na kayo..."

Pero bago siya umalis ay binigyan niya ulit ako ng isang makahulugang tingin. Kinunot ko ang noo ko sa kanya dahil hindi ko talaga siya maintindihan.

Tinalikuran niya kami. Nawala agad ang atensyon ko kay Ate nang maglakad si Rafael patungo sa ginupit kong halaman kanina.

Umupo siya at pinatong ang kanyang mga siko sa hita.

"Where should we start?" he asked.

"Ahm..."

Bahagya rin akong umupo at tinignan ang katabi ng halamang ginupit ko. Tinuro ko 'yon.

"Iyon 'yong sayo tapos... doon nalang ako sa katabing halaman. Gayahin mo lang ako."

Tumango siya.

Tumayo ako at lumipat sa kabilang tabi niya para sa halamang gugupitin ko. I looked at his plant before touching mine.

"Madaling shape muna ang gagawin ko para hindi ka mahirapan..."

He nodded. I saw him look at me in my peripheral vision.

Tumikhim ako at pilit pinakalma ang sarili. Nagsimula na ako sa gagawin.

I was talking and explaning to him how to do it while I also do it on my plant para masundan niya rin ako at hindi siya malito.

Madaling shape at design lang muna 'yong tinuro ko sa kanya.

Buong akala ko hindi niya agad matututunan dahil ang iniisip ko ay hindi siya 'yong tipo ng taong magiging interesado sa halaman.

Pero nagulat ako na nasundan niya agad ang ginagawa ko at mas maganda pa ang nagawa niya kaysa sa akin!

"Is this fine?" he asked when we finished.

Napakurap kurap ako at tumango.

"Maganda. Mas maganda pa sa akin."

He chuckled. "Liar."

"Totoo!" sabi ko.

Nagtaas siya ng isang kilay. "It's easy, then?"

"Madali lang naman talaga 'yong tinuro ko sayo..."

"Then, teach me a different design. Baka maging mahirap na sa akin?" he said playfully.

Ngumuso ako sa tono ng pananalita niya.

Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Tinuruan ko ulit siya ng ibang design naman.

Hindi pa rin 'yon gaanong mahirap kasi baka mahirapan talaga siya.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon