--
--
Dalawang linggo at hindi ko na nga nakita si Rafael. Hindi ko na rin pinilit. Umiwas na rin ako at nagdadala nalang ng baon tuwing lunch kahit na alam kong hindi naman na rin siya pupunta sa canteen. Pero mas imposible ko siyang makikita kung nandito lang ako sa opisina kaya nagdadala pa rin ako.
Something stopped me, though. Isang chismis ang bigla nalang kumalat at hindi ko yata kayang iproseso 'yon.
"Alyana Sison and Rafael Aldama's engagement was cancelled! Raf cancelled it," balita ni Trisha sa akin.
Hindi ako nakapag salita nang marinig 'yon. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Natawa si Trisha. "Hindi pa nga nagsisimula, natapos agad! Amazing!"
Rafael indeed told me that he's gonna refuse the marriage but I didn't expect that he will really do it! Pero ano pa nga bang aasahan ko? He's not controlled by anyone. Ginagawa niya lahat ng gusto niya. At lahat ng gusto niya nakukuha niya.
"Sabi ko sayo ikaw pa mahal nito, e!"
I sighed and just continued with my work.
"Oh? Ba't parang 'di ka naman masaya? Cancelled na 'yong wedding, oh!"
"Siguradong nasaktan si Alyana. Bakit ako magiging masaya?"
Pumameywang si Trisha at hinarap ako.
"E, napaka concerned mo naman pala! Umamin ka nga. Si Rafael ba talaga ang gusto mo o si Alyana?!"
"Ano?" gulo kong tanong.
"Concern na concern ka, e! Baka nakakalimutan mo na 'yang babae na 'yan ang nagpakalat noong college tayo na mang aagaw ka? The reason why I hated her so much. She's my role model before, pero dahil sa ginawa niya? Ugh! Nevermind," umiling siya.
Bumuntong hininga ako at hindi nagsalita. Hindi ko nakakalimutan na si Alyana ang nagpakalat na mang aagaw ako pero hindi ko naman siya masisisi. Nasaktan siya kaya gusto niyang manakit ng iba. Tinanggap ko ang galit niya dahil pakiramdam ko... deserve ko lang din naman 'yon.
"Anyway, birthday ng friend ko ngayon. Sama ka mamaya sa bar, ah?" anyaya ni Trisha.
Matagal tagal na rin noong huli naming punta sa bar. O baka ako lang. Alam kong madalas ay nasa bar itong si Trisha.
Pumayag ako. Napapalakpak siya sa tuwa. Naisip ko lang na siguro... gamitin ko na rin 'tong pagkakataon na 'to para makalimot kahit saglit. Gusto kong kalimutan ang mga problema ko ngayong gabi. Ganito ang ginagawa ni Trisha kapag may problema siya kaya naisip kong baka gumana rin sa akin.
Magulo ang pinuntahan naming bar. Pang mayaman 'yon kaya iilang artista rin ang nakita kong nagsasaya. Hindi na bago sa aking makakita ng isang artista kaya hindi na ako nagulat.
"Happy birthday!" bati ni Trisha sa kaibigan na may birthday.
Nagyakapan silang dalawa. Binati ko rin 'yon at binigay sa kanya ang isang paper bag. Hindi kami masyadong close pero nakakahiya naman kung wala akong regalo.
Nagwawala agad si Trisha. Sunod sunod ang pag inom niya at dinadamay niya pa ako. Maingay, malikot ang mga ilaw, at maraming tao. Sa pang apat na shot ay agad umikot ang mga mata ko.
Shit. Eto na naman ako.
"Joan! Ang hina mo naman!" tukso ni Trisha at inabot sa akin ang pang limang shot.
Ininom ko 'yon. Humiyaw siya kasabay ng kanyang mga kasama. Ngumiti ako. Tumayo si Trisha at hinila ang mga kamay ko patayo. I stood up and laughed when she laughed. Hindi ko alam kung anong nakakatawa at nahahawa lang ako sa tawa niya.
"Let's dance!"
"Hindi na iinom?" takang tanong ko.
Humalakhak si Trisha. "Madali ka lang malasing so that's enough! Hindi ka na nga makatayo nang maayos, oh!"
Ngumuso ako. "Gusto ko pa..."
Namilog ang mga mata niya. "Ikaw ba 'yan, Josefina Lucian?!"
Hinanap ko ang alak sa lamesa at hindi siya pinansin. Nakita ko naman agad at pinuntahan 'yon.
"Hey!" halakhak ni Trisha at pinigilan ako.
Pero hindi ako nagpapigil. Kinuha ko ang alak at sinubukang magsalin sa baso kahit medyo umiikot na ang mga mata ko.
"Okay! Okay! One last shot then enough na, okay?!"
Kinuha ni Trisha ang alak mula sa kamay ko at siya na mismo ang nagsalin para sa akin. I smiled and drank the shot. Tinaas ko ang kamay ko nang maramdaman ang alak sa aking lalamunan.
"Whooo!" I screamed.
Tuwang tuwa si Trisha sa inaakto ko. I smiled and finally joined her at the dancefloor. Pareho kaming sumasayaw nang walang humpay kasabay ng electronic music. The light made it more fun for me. Sumabay ako sa lahat ng naroon na sumasayaw at nagtatatalon.
A minute passed and I suddenly felt a hand on my waist. Sa kalasingan ay hindi ko na pinansin 'yon at nagpatuloy lang sa pagsasayaw. Whoever the man behind me also danced with me. I smiled more and slightly turned to him.
"Hi, beautiful..." he whispered on my ear.
Lalo akong ngumiti at ginanahang sumayaw. Pero bago pa man makapag salita ulit ang lalaki ay bigla nalang nagkagulo. I heard Trisha's scream and the man behind me was suddenly on the floor, nose bleeding.
Umikot ang paningin ko at hindi alam ang nangyayari. Trisha held me still. Nakita kong nagsisilayuan ang mga nagsasayaw sa amin. A man wearing a white longsleeve dress, black jeans and brown leather boots, was on the floor, too. Pero nasa taas siya ng lalaking dumudugo ang ilong at pinagsususuntok ito.
May mga lalaking dumating at inawat ang gulo. Pero hindi ko na masyadong nasundan pa ang mga nangyari dahil umikot ang paningin ko. I can hear Trisha's curses over and over again beside me.
"Huh?" tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.
"Rafael's here! Patay!"
"Huh?" mas lalo kong tanong.
Rafael? Why would Rafael be here?
Isang mariing kamay ang humawak sa pulsuhan ko. Nawala ako sa hawak ni Trisha at muntik nang masubsob sa dibdib noong lalaking humila sa akin. I felt a hand on my waist, too.
"She'll come with me," narinig ko ang pamilyar na boses malapit sa akin.
That's Rafael! Is he really here?
"T-Take care of her, then..." narinig ko si Trisha.
Huh? Ano bang nangyayari?
Hinila na ako ng kung sino mang lalaking may hawak sa akin. Teka? Saan niya ako dadalhin? Sabi ni Trisha nandito si Rafael, ah? Nasaan siya?
"W-Wait!" sabi ko sa lalaki at hinila ang pulsuhan ko.
But then, he didn't stop. Patuloy niya akong hinihila hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. Where are we?
"Bitawan mo 'ko!" nagpupumiglas pa rin ako. "Rafael! Nasaan si Rafael!"
Nakakita ako ng mga sasakyang dumadaan. Nasa labas kami!
"I want Rafael!"
"I am Rafael!" hinarap ako noong lalaki.
Natigilan ako at inangat ang namumungay kong mga mata sa kanya. The man was a bit blurry at first but after a while, I saw him clearly. His eyes were dark and angry. Kitang kita ko ang matinding galit sa mga mata ni Rafael. Si Rafael nga!
"Oh, Rafael! Ikaw pala 'yan!" halakhak ko.
Umigting ang kanyang panga at muli niya akong hinila. I saw a black car parked in front of us. May lumabas na lalaki roon. He gave something to Rafael and Rafael immediately pulled me. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at pinasakay ako sa loob.
"Rafael..." the last word I remember I said before I blocked out.
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...