--
--
Of course, I accepted the offer!
Kahit anong trabaho, basta kikita ako, okay lang! Basta malinis ang trabaho at alam kong kaya ko!
Hindi ako makapaniwala na kasasabi lang ni Ate Josy na huling araw ko na sa araw na 'yon, may panibago naman akong natanggap na trabaho!
Sinong mag aakala na mabibigyan ako ng trabaho nang dahil lang nag-gugupit ako ng bulaklak doon?
Sobrang saya ko!
"Sabi mo wala ka nang trabaho? Come on! It's Saturday!"
Kanina pa ako sinusundan ni Trisha sa apartment ko. Nag aayos ako ng sarili at inaayos ko rin ang mga pictures na pina-print ko.
Mga bulaklak 'yon at mamaya papipiliin ko si Ma'am Solenn kung anong gusto niyang design ng mga bulaklak niya.
Hindi ko pa nakikita kung ano ang mga bulaklak niya sa kanyang garden pero sigurado akong meron siyang ganitong klase ng mga bulaklak.
"May bago ulit akong trabaho, e. Next time nalang. Sorry talaga," sabi ko.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Trisha.
"Oo. Kaya sorry."
"Kahapon mo lang sinabi na wala ka nang trabaho! You didn't tell me na meron ka agad nakuhang bago! Sana pala hindi na ako pumunta rito!"
Nagtatampo siyang umupo sa maliit kong sofa at humalukipkip.
"Sorry na. Hindi ko nasabi kasi sobrang excited ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin."
"Sayang lang ang pag-punta ko rito!" nagtatampo pa rin siya.
"Hindi mo kasi sinabing pupunta ka at lalabas tayo. Hindi ko tuloy nasabing may pupuntahan ako."
"At talagang kasalanan ko pa, ha?"
Ngumuso ako. She rolled her eyes and stood up.
"Fine! Yayayain ko na nga lang sina Mary."
Linggo ngayon at kahapon ko tinanggap ang trabaho ni Ma'am Solenn.
She immediately wants me to go to their house and check their garden and flowers. Pumayag agad ako kasi excited.
"I'll go na. Bye," may pagtatampo pa rin sa boses ni Trisha.
I just smiled cutely at her. Inirapan niya ako.
Malapit lang ang bahay ni Ma'am Solenn. Village 'yon at namangha ako nang makarating.
Hindi agad ako pinapasok ng guard. Tinawag muna 'yon sa telepono at nang papasukin ako ni Ma'am Solenn, doon palang ako pinatuloy.
Maraming naglalakihang bahay at lahat magaganda! Manghang mangha ako habang naglalakad. Halatang mayayaman lang ang nakatira rito!
Pero mas lalo lang akong namangha nang pag-tingin ko sa papel na hawak ko kung nasaan ang address, at nakitang nasa harapan na ako ng tamang bahay, napanganga ako nang literal.
Ang laki! Nang tumingala ako ay para na 'yong mansyon! Matayog din ang gate at hindi mo makikita ang nasa loob pero kitang kita ang bahay dahil mataas 'yon!
Pinapasok ako ng isang kasambahay nila. Binati niya ako kaya binati ko rin siya, medyo nahihiya.
Nakasuot lang ako ng simpleng black t-shirt na naka tuck-in sa jeans kong suot, tapos white shoes. Hawak hawak ko ang shoulder bag kong itim habang nililibot ang mga mata sa laki ng bakuran nila.

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...