37

685 14 0
                                    

--

--




Kumuha ako ng tatlong chocolate bar. Pansin ko nitong mga nakaraang araw, araw araw nang merong ganitong chocolate. Nakakatuwa pero nakakapagtaka rin dahil dati hindi naman laging mayroon no'n.

"Oh? Bat nmumula ka? Nilalagnat ka?" puna ni Trisha habang umuupo ako sa table.

Mas lalong uminit ang pisngi ko, naalala na naman ang nangyari sa elevator. Umiling ako sa kanya at hinanap si Mikael.

"Si Mikael?"

Trisha's eyes narrowed at me. Nagpatay malisya naman ako at kunwaring naghihintay sa sagot niya. Alam kong madali siyang makahalata at baka mapilitan pa akong sabihin sa kanya ang nangyari kanina!

"Wala. Kasabay mga kasamahan niya. Doon muna siya."

Tumango ako at nagsimula nang kumain. Hanggang ngayon hindi pa rin kumakalma ang puso ko at hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng init! Ano bang nangyayari sa akin?

Natanaw ko ang mga kasamahan ni Rafael na umuupo sa table sa likod lang ni Trisha. Napatuwid agad ako ng upo nang makita ko rin si Rafael na palapit dala ang pagkain niya. Umupo siya sa harapan at nagtama agad ang mga mata naming dalawa.

His eyes are unusually playful. His lips rose for a smile. He winked at me, at dahil hindi ako sanay na gano'n siya, nasamid ako sa kinakain ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Trisha nang umubo ubo ako.

Tumango ako at uminom ng tubig. Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi ko inasahan iyon! Tumingin ulit ako kay Rafael nang bahagyang makabawi.

Malaki na ang ngiti niya habang nakikipag usap sa mga kasama niya. Magmula noong nakita ko ulit siya, ngayon ko nalang din ulit siya nakitang ngumiti nang gano'n. At para bang masayang masaya siya sa kung ano.

His eyes then again met mine. He covered his smiling lips with his fingers. Sigurado akong parang kamatis na ang mukha ko ngayon sa sobrang pula.

Binagsak ko ang mga mata ko sa pagkain at kumain nalang. Pero ilang sandali palang ang nakakalipas ay hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mag angat ng tingin kay Rafael.

He's still looking at me. Para bang hinihintay niya akong tumingin ulit sa kanya. He then mouthed something.

"Ang ganda mo," I read his mouth.

Uminit ulit ang pisngi ko. Binagsak ko ulit ang tingin sa pagkain ko at hindi na talaga ako tumingin sa kanya! Hindi ko na yata kakayaning tumingin ulit!

"T-Trisha," pigil ko kay Trisha nang paalis na kami.

Nasa loob pa rin kami ng canteen at palabas na.

"Oh? Why?"

"S-Sabay na tayong pumanik..."

"Huh? Sasamahan ko pa 'tong mga kasamahan ko sa labas, 'diba? May bibilhin lang sila saglit."

"S-Sama nalang ako!"

Nagtataka niya akong tinignan. Kinagat ko ang labi ko at kukumbinsihin pa sana siya kung hindi lang may biglang tumawag sa akin.

"Ms. Alcantara?"

Napalingon ako sa likuran at nakita ang isang pamilyar na babae. Muntik nang mamilog ang mga mata ko. Siya 'yong babaeng pumasok sa opisina ni Rafael! Yung secretary niya yata!

"Y-Yes?" tanong ko.

Inalog ako ni Trisha. "Joan, mamaya nalang, ah? Tinatawag na ako. Bye!"

Nilingon ko siya pero wala na akong nagawa nang sumama na siya sa mga kasamahan niya. Kinagat ko ang labi ko at unti unting humarap sa secretary ni Rafael na ngumiti sa akin.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon