--
--
I don't want to be so overdramatic over it so I busied myself.
Maaga akong pumapasok sa school para mag aral at umuuwi rin agad para pumasok sa coffee shop.
Nang makapag ipon ipon ay bumili ako ng mga kailangang gamit sa apartment ko. Bumili rin ako ng mga bagong damit para sa sarili ko.
Somehow, I was happy.
Kinalimutan ko ang mga nangyari at nagfocus lang sa sarili at pag aaral.
Nakapag pasalamat naman na ako kay Rafael kaya naisip ko na ayos na 'yon. After all, tinulungan niya lang naman ako.
Masaya ako sa mga sumunod na buwan. I passed the exam and I enjoyed my vacation with just me hanging out in my apartment.
Naghanap din ako ng pang araw na trabaho, pandagdag savings. Habang sa gabi ay sa coffee shop pa rin ako.
It was all okay, not until the school started again.
I am now in my second year college. Busy ako palagi. Pagod lagi. Pero worth it din lagi.
"Let's go out!" nabuburyong anyaya ni Trisha.
Umiling ako.
"May trabaho ako."
She rolled her eyes.
"How about Friday? Mag mall tayo the whole day then magtrabaho ka sa gabi."
"Hindi mo 'ko pagpapahingahin?"
"Come on, Joan! It's been awhile! I want to freshen up!"
Hindi ko alam kung bakit ako lagi ang gusto niyang kasama kaysa sa iba niyang kaibigan. For sure free silang lahat para makipag hang out sa kanya. Ako pa talaga na may trabaho ang niyayaya niya.
Pumayag pa rin ako kalaunan dahil hindi ko na siya matiis. Matagal na niya akong niyayayang makipag hang out sa kanya. Tsaka gusto ko ring maglibot libot kahit papaano. Matagal na akong hindi nakakalabas.
Tahimik kong ginagawa ang take home test namin sa library. Take home test pero dito ko ginagawa.
Wala kasi kaming teacher ng dalawang oras ngayon kaya nagpunta ako rito tapos naisipan din na gawin na 'to ngayon. Para wala na akong gagawin sa susunod na mga araw. Next week pa naman pasahan nito. Tatapusin ko na ngayon.
Pero kalahating oras palang akong nagsasagot ay na-bored na agad ako.
Hindi ako makapag isip nang maayos. Hindi rin pala matutuloy ang plano kong tapusin 'to ngayon. Maybe I'll just do it tomorrow?
Kaya napag desisyunan ko nalang na itabi 'yon at maghanap nalang ng babasahin sa shelfs.
Naghanap ako ng libro sa shelfs. Gusto kong magbasa ng interesanteng libro, like about pa rin sa business. Iyon na yata talaga ang gusto ko.
Balang araw, magtatayo ako ng business. Hindi ko pa alam ngayon kung anong business ang gusto ko pero alam kong may maiisip din ako. Sabi nga nila, everything takes time.
Habang naghahanap at pinapadaan ang daliri ko sa bawat libro, natigil ako nang maamoy ang isang pamilyar na pabango.
My heart pounded immediately. Dahil alam ko kung sino ang nagmamay ari ng mamahaling pabango na 'yon. Hindi ko pa 'yon naaamoy sa kahit na sino. Sa kanya lang.
I stopped for a moment and slowly looked at my right side.
Hindi nga ako nagkamali. I saw... Rafael. Nagkatinginan kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...