--
--
"Hey! Ang tagal mo naman dyan?!" napansin na ako ni Trisha.
Mabilis akong bumalik sa katotohanan at ininom na ang shot glass ko. Napapikit ako nang nanuot agad sa aking lalamunan ang alak. Agad kong nilapag ang shot glass sa lamesa at kinuha ang juice ko para isabay sa pag inom.
Nagsalin ulit si Trisha sa baso.
"Here's another one!"
"H-Huh?"
"Dali na! Then, another shot pa para sasayaw na tayo pagkatapos!"
Ano?!
"Trish, calm down. Hindi pa nga nagbo-blow ng candle si Nica," natatawang sinabi ng isang babae.
"Ay, oo nga pala! Anong oras ba magbo-blow ng candle si Nica?"
Saktong pagkatanong niya no'n ay may nagsalita at tinawag na ang lahat sa harapan. Hinila agad ako ni Trisha patayo. Nandoon na si Nica sa harapan. Isang kaibigan niya ang naghatid ng kulay itim na cake na may nakasindi nang kandila para hipan niya. Kahit kandila niya ay kulay itim din.
Gumala ang mga mata ko sa dami ng tao roon. Nakita ko ang mga Araza na nakatayo na rin sa gilid. Matatangkad sila kaya makikita agad sila. I then also saw Rafael with them. Nakahalukipkip siya at seryosong pinapanood ang nangyayari.
Para akong nawala sa sarili. Nakatitig lang ako sa kanya habang kinakantahan na ng happy birthday si Nica. Sumasabay ako sa palakpak pero ang mga mata ko ay pabalik balik kay Rafael.
Nakita niya na ba ako? Maybe not. Iiwasan niya ako kapag nakita niya ako, 'diba? Wala na sana siya rito kung... nakita na niya ako.
Natapos ang kanta at humiyaw ang lahat. Nica blowed her candle and everyone cheered again. Pumalakpak ako kasama nila at bahagyang ngumiti. Pero hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa gawi ni Rafael.
"Thank you, everyone! Now, let's enjoy the night and party like there's no tomorrow!" Nica shouted on the mic.
Naghiyawan ulit ang lahat at nagsimula ulit ang music. Everyone danced. Naging mas magulo at masaya ang lahat. Sobrang saya ni Nica na umikot ikot na rin siya at humalo sa lahat ng tao roon.
"Joan! Here's your shot!" hindi ko alam na nakakuha na agad si Trisha ng shot para sa akin!
At mukhang hindi na niya ako pababalikin sa sofa namin dahil hawak niya na rin ang isang bote ng alak!
"Come on! Drink!" she encouraged me.
Wala akong nagawa kundi makisabay at uminom. Humiyaw siya nang tinungga ko ang shot glass. Umubo ako sa pait at pagkabigla. She then poured another one!
"Last na 'to then sasayaw na tayo!"
Wala ulit akong nagawa dahil magulo na ang lahat at sumasayaw na rin si Trisha. Ako nalang ang hinihintay niya!
Medyo nahilo na ako sa pangalawa kong shot pero tinanggap ko pa rin ang pangatlo. Mahina talaga ako pagdating sa alak. At may pakiramdam pa ako na malakas ang tama ng alak na 'to kaya mas lalong mabilis sa akin!
Humiyaw ulit si Trisha nang tinungga ko ang pangatlong shot. Binalik niya ang alak at baso sa sofa namin at hinila na ako sa gitna ng dancefloor! Sa mismong maraming tao!
"Hi!" marami na siyang binabati pagkarating palang namin do'n.
Sumabay ako sa pagsayaw niya. Kahit hindi ako sanay at hindi ako marunong, sinubukan kong makisabay. Ngumiti ako nang harapin ako ni Trisha at gumiling giling siya sa harapan ko. Tumawa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...