--
--
"Are you okay?" iyon ang bungad sa akin ni Rafael nang pumasok ako sa opisina niya.
Umalis siya sa table niya at pinuntahan ako. He welcomed me with a tight hug.
"I'm sorry..."
He kissed my cheek, my ear, my jaw and my lips. Ngumiti ako at bahagya siyang tinulak.
"Ayos lang ako," sabi ko.
"I'm sorry. I'll do something about those rumors. For now, don't ever look at your phone. I'll take care of it."
Ngumuso ako. "Ano namang gagawin mo?"
Hinila niya ako paupo sa sofa kung saan nandoon ang pagkain namin. Pumayag na ako ngayong sumabay sa kanya sa lunch. Nandoon ulit 'yong paborito kong chocolate. Lima ulit ang naroon!
"Ako nang bahala," Rafael said and he looked real serious when he said that.
Tinitigan ko tuloy siya. Inayos niya ang mga pagkain namin. His jaw was clenching repeatedly. Inangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang kanyang panga. He stopped and looked at me.
"Okay lang ako. Medyo... hindi na ako naaapektuhan ngayon," I assured him dahil iyon naman ang totoo.
Apektado pa rin ako sa mga sinasabi ng tao pero na-realized ko, hindi naman totoo ang mga sinasabi nila. Alam ko naman na noon pa man na hindi totoo ang mga sinasabi nila pero sobra sobra akong nagpapa apekto. Ngayon, natututunan ko nang tanggapin ang nangyayari. Natututunan ko nang tanggapin na hindi talaga lahat ng tao magugustuhan ako. At unti unti nalang balewalain ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.
Mahirap... pero noong unti unti ko nang natutunan, masarap pala sa pakiramdam. Nasa proseso pa ako pero alam kong sa oras na tuluyan ko nang matutunan 'yon, makakalaya ako sa lahat ng ito.
"But all of it are still false accusations. I'll sue everyone who said bad things about you."
Nagulat ako. "H-Hindi naman na kailangan no'n, Raf."
"Kailangan no'n," mataman niya akong hinarap at tinitigan. "No one can insult you, or even tarnish your name. I promised to myself that I would protect you and what happened before will never happen again, so that's what I will do, Joan."
Tinitigan ko siya. Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang panga at mas lalong nilagay 'yon doon. May mumunti siyang balbas sa panga pataas sa kanyang ibabang pisngi na tumutusok sa kamay ko, nakakakiliti.
"Let me handle this. I promise within this week, every fucking article about you will disappear..."
Ilang sandali ko pa siyang tinitigan bago ako unti unting tumango. He immediately attacked me with kisses after that. Naitukod ko ang mga kamay ko sa likod ko. His arms snaked around my waist and he pulled me closer to him. Napahawak ako sa kanyang mga balikat. He kissed me aggressively and hungrily. Halos hindi ko siya masabayan sa bilis at agresibo ng mga halik niya. Para bang sa akin niya binubuhos lahat ng galit niya.
Tinupad ni Rafael ang pangako niya. Hindi ko alam kung anong mga ginawa niya, pero kinabukasan nabawasan ang mga empleyado na nag uusap usap tungkol sa akin. Unti unti ring naglaho ang mga articles at news tungkol sa kanila ni Alyana kung saan ako ang third party. In just a snap, tumahimik ang lahat. Walang nag usap. Walang bagong article na lumabas.
Gusto kong isipin na baka nagsawa lang sila dahil isang linggo mahigit naman na ang nakakaraan pero alam kong may ginawa si Rafael doon base sa mga sinabi niya sa akin at base rin sa tindi ng galit niya.
Everything became peaceful again at work. Kahit sa social media wala na akong nakikita. Marami pa rin sa tweeter na nagsasabi sa akin ng masasama pero unti unti na silang nababawasan. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...