This story is all fiction and came only from the author's brain. If anything happened in this story that also happened in real life is just a coincidence. The author has her own work and has never copied the works of others. This story is all came from my brain, my heart and my soul. Names, places and events are made solely by the author.
--
--
SIMULA
"Hindi pwedeng hindi uminom ngayon, ha!" ani Trisha sa akin.
"Kaunti lang. Alam mo namang hindi ako sanay uminom, e..." sabi ko.
"Naku, Joan! Akong bahala sayo! Wala namang pasok bukas. You should enjoy sometimes, you know?!"
Akong bahala sayo pero mamaya siya na ang lasing niyan, kita niyo. Ako pa ang aalalay sa kanya.
Bumuntong hininga nalang ako at nakipag usap sa mga kumakausap sa akin sa mahabang sofa kahit medyo hindi talaga ako sanay makipag kwentuhan nang dere deretso.
Dumarami na kami roon at dumadating na rin ang mga inumin. Malakas na rin ang music at mukhang maya maya lang ay magbo-blow na ng candle si Nica.
"Hi, Mara!" kumaway si Trisha sa mga bagong dating kaya agad akong napatingin.
"Oh! Hi, Trisha!"
Mara Aldama is wearing an all black dress and accessories. Gaya ni Nica, nagbeso rin silang dalawa ni Trisha. I also saw Raine beside her, wearing an all black longsleeve dress.
Nakipag beso rin si Raine kay Trisha at nagtama ang mga mata naming dalawa habang nagbabatian sila. Pero agad niya ring binaling ulit kay Trisha ang atensyon.
Kumalabog ang puso ko ngayong nakikita ko siya. Ngayon ko nalang din ulit siya nakita!
Naghanap agad ang mga mata ko sa likod nilang dalawa pero wala na silang ibang kasama.
Nagpaalam at umalis din naman sila agad dahil ang table nila ay nasa kabila sa tabi lang namin, kasama ang mga Araza.
But I saw Raine immediately excused herself and moved to the other table. Siguro nasa kabilang table ang mga kaibigan niya at ayaw niya sa mga Araza.
Napatingin ako sa mga Araza pero sila sila lang talaga ang naroon. Rei, Drich, and Paul Araza are there with their circle of friends.
Tim Bernardino is also there pero wala si Alonso Bernardino. Ang nag iisang Aldama lang na nandoon ay si Mara dahil lumipat sa kabila si Raine.
Rick and Rafael aren't around.
Nasaan kaya si Rafael? Pupunta rin ba siya rito? Raine is here! Nandito rin halos lahat ng kaibigan niya! Pupunta rin kaya siya?
Bigla akong hindi mapakali. Paano kung pumunta siya? Magkikita ba kami? Makikita niya ba ako? Makikita ko na ba siya?
Anim na taon ko na siyang hindi nakikita! Lagi ko nalang siyang nakikita sa pictures tapos madalang pa siyang mag post sa ig niya kaya wala rin!
Bakit ba ayaw akong pagbigyang makita siya? Isang sulyap lang naman ang hinihingi ko. Sobra sobra ba 'yon?
Inabutan ako ng shot ni Trisha. Kahit ayaw ko ay tinanggap ko 'yon. Uunti untiin ko nalang.
Ayaw kong malasing. Alam kong malalasing si Trisha at walang aalalay sa kanya mamaya kapag nalasing din ako.
Umingay ang table ng mga Araza maya maya dahil parang may dumating.
Inuunti unti ko pa ang shot na binigay sa akin ni Trisha. Abala naman siya sa pakikipag usap sa mga kasama namin sa table kaya hindi niya napapansin na matagal akong uminom.
"Where have you been, dude? Akala ko mala-late ka?" I heard Rei's loud voice. Maingay kasi ang music kaya kailangan niya sigurong sumigaw.
"Don't talk to me," isang malamig at malalim na boses ang nangibabaw sa pandinig ko.
Parang tumigil ang mundo ko. Binaba ko ang shot glass at mabilis na nilingon ang table ng mga Araza. Humahalakhak na si Rei.
My heart raced and my hands trembled when I saw Rafael sitting on their group.
Nakasuot siya ng longsleeve polo na ang manggas ay nakatupi hanggang siko niya, tapos slacks. Maayos na maayos ang buhok niya at nakataas ito gaya nalang noong ayos no'n nung huli kong kita sa kanya.
Para akong hihimatayin sa bilis ng tibok ng puso ko.
Is this real?
Nakikita ko na siya... ngayon... dito. Totoo ba 'to? Siya na ba talaga 'to?
Mas lalo siyang gumwapo at tumangkad! His body also grew. I can see his muscle even with that longsleeve polo he's wearing.
Inabutan agad siya ng shot glass ng nakangising si Drich at tinanggap niya 'yon.
He's serious while sipping on his shot. Nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga nang malasahan ang alak.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at mahigpit na nahawakan ang baso ko.
Halos hindi ko 'yon nainom. Natikman lang pero hindi ko nabawasan.
He's here. He's really here! Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko ngayong nandito na nga siya!

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomansaSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...