10

969 21 1
                                        

--

--






Tahimik akong naglalakad patungong library dala ang mga libro ko. Wala kaming teacher ngayon nang isang oras kaya gaya ng lagi kong ginagawa, pupunta ako sa library.

Umupo ako sa walang taong table at pagkatapos naghanap na ng libro sa shelfs. May second floor itong library namin pero madalas ay sa first floor lang ako para hindi na pumanik.

Pero dahil ang kailangan kong libro ay nasa taas pala, kailangan ko ngayong pumanik at doon nalang siguro maupo at mag aral.

Kinuha ko ulit ang gamit ko at pumanik na. Mabuti nalang wala masyadong estudyante roon. Mukhang mas masarap palang mag aral dito. Tahimik at malamig pa.

Naghahanap ako ng libro sa shelfs. Ang mga shelfs ay malalapit sa tables na nasa gilid.

Kaya nang mapalapit ako sa table ng grupo nina Klariz ay napatigil agad ako. Hindi naman nila ako nakita dahil hindi ako tumuloy.

Naririnig kong nagsasalita si Klariz.

"Kahit na. See? Ni hindi nga siya pumanik noon sa coffee shop para manlang mag hi sayo. She's a bitch!"

Natigilan agad ako.

I heard Alyana's soft voice.

"Stop it, Klariz. Maybe she was just busy that day. Maraming tao last week sa coffee shop."

"You're seriously defending her, Alyana. Ano bang pinakain sayo ng babaeng 'yon at mukhang nakuha niya ang loob mo?"

Tumawa ang isang kasama nila.

"Maybe nagayuma ka? My gosh!" mahinang humalakhak si Klariz.

"Stop it, guys! She's not doing anything wrong, okay? She's very kind. There's seriously no reason to be mad at her."

"Hindi mo sure. Malay mo may tinatago pala 'yang kulo sa loob?"

Muli silang nagtawanan.

"Okay, let's stop it there. Let's just study, okay?"

"But seriously, pakiramdam ko talaga masama ang ugali niyan, e. Nagpapanggap lang. Who knows, baka naiinggit siya sayo?" ngumisi si Klariz kay Alyana.

"Kaya nga? Kaya hindi ka niya sinipot sa coffee shop kahit umoo naman siya. I mean, hindi naman big deal 'yon at siguro nga busy sila noong time na 'yon dahil maraming tao. But we were there until nine! Wala na masyadong tao no'n! Hindi pa rin siya nakapunta?"

Yumuko ako. Ako ba ang... pinag uusapan nila?

Kahit wala silang sinabing pangalan, obvious na ako ang pinag uusapan.

Marami pa silang sinabi pagkatapos no'n pero hindi ko na pinakinggan. Umalis nalang ako.

Tama naman sila. Pinili kong hindi magpakita kay Alyana noon sa coffee shop. At tama rin sila na wala na masyadong tao noong medyo gabi na at may pagkakataon na akong pumunta sa kanila pero hindi ko pa rin ginawa.

Natakot lang ako. Ayaw ng mga kaibigan niya sa akin. Kahit nandoon si Trisha, alam kong hindi pa rin nila palalagpasin ang pagkakataon para magbigay ng insulto sa akin.

Baka nga mapa away pa roon si Trisha. Baka lumayo pa ang loob niya sa kanila. Baka masira ko pa ang reputasyon niya.

Because I know her. The moment someone says something bad at me, she will get into fight. For me. Gano'n si Trisha.

Ayokong mangyari 'yon. Ayokong mapa away siya nang dahil lang sa akin. Ayokong masira siya nang dahil lang sa akin.

Hindi naman na kailangan. Sanay na ako sa mga insulto. Hindi ko lang talaga kinayang magpakita. Parang... may pumipigil sa akin.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon