--
--
Traydor ba ako? Manloloko ba ako?
Sa mga palabas... ayaw na ayaw ko sa mga umaarteng mang-aagaw. Hindi ko maintindihan kung bakit nila 'yon ginagawa. Hindi ko maintindihan kung paano nila 'yon nagagawa.
Sila ang sumisira sa relasyon ng mga bida. Sila ang tinatawag nilang ahas sa pagitan ng dalawang mag-kasintahan o mag-asawa. Sila ang dahilan kung bakit may mga pamilyang nasisira. Sila ang dahilan kung bakit pati mga anak, naaapektuhan sa away ng kanilang mga magulang.
Hindi ako mang-aagaw pero bakit parang ganoon ang lumalabas? Hindi ako traydor pero bakit pakiramdam ko tinatraydor ko si Alyana?
Wala siya kailanman sinabi o ginawang masama sa akin. Napaka buti niya. Kahit na kung ano ano na ang sinasabi nina Klariz na masama tungkol sa akin, hindi pa rin ganoon ang tingin niya sa akin. She saw me differently. She was so sweet and lovely to me.
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pag-labas ko ng coffee shop. Ako ang naka-assign magsarado ngayon dito. May kanya kanya kasi kaming schedule kung sino ang magsasara ng shop at ako ngayon ang naka-assign.
Natigil nga lang ako sa may pintuan nang natanaw ko si Rafael. Leaning against his motorcycle, he looked at me darkly. Mabilis na pumintig ang puso ko. Mabilis ko rin siyang tinalikuran para i-lock na ang coffee shop. Gabi na. Hindi ko inasahang makikita ko pa siya rito.
Anong ginagawa niya rito? Hinihintay niya ba ako? I sighed. Hindi na kailangang mag tanong. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ako... ako ang gusto niya.
Ako ang... gusto ni Rafael?
Bahagya akong natawa. Kahit na iyon naman ang totoo, tunog nag-iilusyon pa rin ako. Hinarap ko siya nang matapos akong mag-lock. Marahan akong naglakad patungo sa kanya pero huminto rin malayo sa kanya.
"Anong... ginagawa mo rito?"
"I said we'll talk," his voice was deep and serious.
Napakurap kurap ako. "Pero gabi na... Kanina ka pa ba naghihintay dito?"
Hindi siya sumagot kaya tumikhim ako at yumuko.
"Sorry. Ako kasi ang... naka schedule na mag-sara nitong coffee shop ngayon kaya... medyo natagalan."
Bigla siyang umayos nang tayo kaya natigilan ako. Lumapit siya sa akin. Para akong tinatanggalan ng hininga sa bawat pag-hakbang niya palapit. I realized he's too much for me. I can't take him especially when he's too close to me like this.
Huminto siya sa harapan ko. Nakatitig ako sa black t-shirt niya habang nakayuko siya sa akin, nakadungaw, ramdam kong mariin ang titig kahit hindi ko nakikita.
"I told you I already broke up with Alyana, right?"
Tinignan ko siya. May kung ano sa mga mata niya na naghahanap ng kung ano sa mga mata ko.
"P-Pero halos magta-tatlong linggo palang 'yon," sabi ko.
"So, what?" anya na para bang kataka taka 'yon.
Ilang sandali ko siyang tinitigan. Gano'n pa rin ang ekspresyon niya. Huminga ako nang malalim at inipon lahat ng tapang para magtanong.
"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo para sa akin?"
His jaw clenched at my question. Dinaan ko sa tawa ang kaba.
"Tatlong linggo palang kasi kayong hiwalay ni Alyana. Sigurado ka na bang ako na ang... gusto mo? Sa maikling panahon na 'yon?"
"Tatlong linggo?"
Nagkatitigan kami.
"I like you for three months now. That's the correct word, Joan."
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...