12

868 18 0
                                        

--

--






Hindi 'to totoo.

Pero kahit anong gawin ko, totoo ang lahat ng ito! Hindi ako nananaginip at mas lalong hindi ako nag i-imagine lang!

Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang nanlalambot ang tuhod ko habang nakatayo roon... sa harapan nila. Parang gusto ko nalang mapaupo.

Hindi na ako makatingin sa kahit na sino sa kanila. Nakayuko na lamang ako. Kahit pa ramdam ko ang titig ni Raine sa akin. Lalo na ni Rafael!

"You're staying here for today? Akala ko lalabas ka kasama ang mga kaibigan mo?" kausap ni Ma'am Solenn kay Rafael.

"No. I'm staying here today," his voice was deep and cold.

"Oh, okay. Anyway, this is Joan. Our new gardener. She will take care of our garden from now on. Nandito siya every weekend so don't be shocked kapag makita niyo siya. Dito lang naman siya sa garden. Be kind to her! Okay?" Ma'am Solenn said.

Ma'am Solenn... Mama siya ni Rafael?!

Inisip ko agad kung paano ko siya trinato kahapon at kanina.

Maayos ko naman siyang trinato, 'diba? Hindi naman ako naging bastos? Magalang naman ako. Wala naman akong nasabi sa kanya na kahit ano.

Mukha lang akong kalmado sa labas pero natataranta na ako sa loob loob ko. Lalo na't nararamdaman ko na ang panganib na darating sa akin dahil sa isang matalim na titig.

"Okay, Mom," si Raine.

Unti unti akong nag angat ng tingin kay Raine. She smiled at me a little. Pinilit ko rin ang sarili kong ngumiti.

Pinag-hawak ko ang aking mga kamay sa likod dahil sa sobrang kaba.

"Anyway, I'll go now. Magpapa alam lang sana ako sayo, Mom."

Nabaling sa kapatid niya ang atensyon ni Rafael.

"Where are you going?"

"Going out with my friends at the mall, Kuya."

"Alright. Be home before dinner, okay?" si Ma'am Solenn.

"Yes, Mom. Bye..."

Umalis si Raine. Kabado pa rin ako. Ma'am Solenn then smiled at me.

"So, you may start now, Joan. You can do whatever you want in my garden."

Tumango ako. "T-Thank you, Ma'am..."

Bumaling siya kay Rafael.

"What do you need, son?"

Hindi ako makatingin. Dapat na akong umalis doon kaya pumihit na ako para umalis.

"Nothing. I changed my mind," I still heard him say it coldly.

Para akong aatakihin sa puso. Mabilis akong naglakad papunta sa lagayan ng mga gamit na tinuro ni Ma'am Solenn sa akin kanina.

Naghalungkat ako roon at kinalimutan nalang na nasa Aldama ako ngayon.

Pumikit ako nang mariin. Sa lahat ng Aldama, dito pa talaga ako napunta. Siguro mas gugustuhin ko kung kina Mara ako, o kina Rick nalang. Pero bakit dito pa talaga?

Gusto niyang iwasan ko siya. Pero paano ko gagawin 'yon kung nandito ako mismo sa bahay nila? Every weekend?!

Ngumuso ako at sinimulan nalang ang paggawa.

Nag-tingin tingin ako sa mga bulaklak doon. Nakasuot na ako ng gloves at may hawak na ring gunting at kung ano ano pa.

Pinili ko muna 'yong nasa unahan na mga halaman at bulaklak tapos 'yong sa katabi nito hanggang sa makarating sa may gate nila. Gano'n nalang ang gagawin ko para hindi ako mahirapan.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon