--
--
Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ng leader namin sa research habang nagsasalita siya. Tulala lang ako sa papel ko at sobra sobra ang iniisip.
"Joan? Joan!"
Nagising ako sa katotohanan nang katukin ni Iyah ang table, ang leader namin.
"Huh?"
"You're spacing out! God!" umikot ang mga mata niya sa hangin at halatang iritado na.
Na-guilty agad ako at umayos ng upo. "S-Sorry. Ano ulit 'yon?"
"Huwag na! Ako nalang!"
Lumunok ako at tinignan ang mga kasama namin doon. Napapailing ang mga kaklase ko na para bang sobrang disappointed sila sa akin. Halatang stressed na sila at kanina pa sumasakit ang ulo sa ginagawa. Mas lalo akong na-guilty na kanina pa ako walang tinutulong doon.
Kukunin ko na sana ang mga papel na chinecheck ko kanina para makatulong na nang may mahagip ang mga mata ko.
Nilapag ni Rafael ang isang libro at isang paper bag sa malapit na lamesa. Umupo siya roon na parang wala lang at binuklat ang libro. Pero parang wala naman siyang balak basahin 'yon dahil tumingin lang siya sa akin at humalukipkip pagka-buklat niya no'n.
Pinigilan kong matigilan dahil ayaw ko nang mag-mabagal. Galit na ang leader namin at pahirapan na ang ginagawa namin sa research. Hindi ako pwedeng matulala ulit!
Napapakurap kong kinuha ang papel at chineck ang mga naka-print doon. Shit! Bakit siya nandito? Lunes ngayon at hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi niya kahapon. Sino ba namang makakalimot do'n? Umamin siya sa akin. Umamin si Rafael Aldama sa akin!
Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala! Parang panaginip lang lahat ng 'yon. Hindi totoo! At ang makita siya ngayon dito sa library pagkatapos kong sabihin na nandito ako lagi tuwing lunch, parang may paro-parong naglalaro sa aking tyan. Para akong kinukuryente dahilan ng pagtaas ng dugo ko. Parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok no'n.
Ilang minuto ang nakalipas ay sinulyapan ko si Rafael. Nandoon pa rin siya at nakatitig sa akin. Ginawa niya lang talagang palamuti ang libro para kunwaring nagbabasa siya kahit nakatingin lang naman siya sa akin!
"Ano, Joan? May balak ka pa bang tumulong dito?" iritadong tanong ni Iyah.
"Ah, oo," mabilis akong nakisali sa binabasa nila.
"Tignan mo kung tama 'to! Yung english grammar din paki-tingin..."
Naging abala ako saglit dahil naiinis na talaga ang mga kasama ko. Ginawa ko ang lahat para hindi sila masyadong mainip doon. Ako ang nag-check sa lahat ng grammar at mga na-search nila.
Nang saglit na nag-usap usap ang mga kasama, sumulyap ulit ako kay Rafael. Gano'n pa rin ang ayos niya. Nakatingin siya sa akin nang nginuso niya ang paper bag sa lamesa. Napatingin ako roon at kumunot ang noo.
"Joan, can you check this?"
Naging abala ulit ako. Nakalimutan ko saglit si Rafael ngunit nang matapos kami ay naalala ko ulit siya. Nag angat ako ng tingin sa lamesa niya. Mukhang nainip na nga siya nang tuluyan doon dahil nakita kong nakaharap na ang cellphone sa mukha niya. Pero nang tumingin ako ay agad niyang binaba 'yon at pinatay.
Halos kalahating oras kami roon at natapos naman namin ang dapat na gawin para sa araw na 'yon. Agad agad umalis ang mga ka-grupo ko at hindi na nag-paalam. Mukhang hectic sila ngayon kaya iritado. Ngumingiti nalang ako sa mga umaalis.

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomantizmSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...