22

812 16 0
                                        

--

--




Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon. Basta pagkagising ko, nakangiti na agad ako.

"Ugh! I'm so bored!" reklamo ni Trisha.

Nasa tabi ko siya. Abala ako sa pagtulong sa mga ka-grupo ko habang siya ay nakaupo lang at mukhang tapos na sa mga ginagawa niya. Wala kasi kaming teacher ngayon.

"May trabaho ka pa rin ba sa weekends, Joan?" tanong niya sa akin.

"Oo. Bakit?"

Umirap siya. "Kailan ka ba mag-tatake ng break? Hindi ka na nagpapahinga!"

"Hindi pwede, e. Kailangan."

"I want to watch a movie! Sinong isasama ko?"

"Si Nica ba?"

Umirap ulit siya. "May date 'yon!"

"Huh? Akala ko ba babae ang gusto niya?"

"Oo nga. Babae ang date niya buong Sabado at Linggo!"

Bumuntong hininga ako. "Edi sina Leya..."

She groaned. "I don't know what to do with this life!"

Hindi ko alam kung bakit buryong buryo siya. Tsaka ayaw niya bang kasama sina Leya? O baka sawa na siya kasi sila nalang palagi ang kasama niya. Ngumisi ako at napailing.

Napa angat nga lang ang tingin ko nang biglang magsi-ungulan ang mga kaklase namin. Nag-bulungan sila at may iilan pang tumili. Tumayo ang iba para pumuntang bintana at may sinilip doon.

Nalaman ko agad kung bakit nang biglang dumaan si Rafael sa harap ng classroom namin. Kasama niya si Rei na nakangisi at kumakaway sa mga girls na tinatawag siya na para bang artista. Naroon din si Rick na pinsan ni Rafael na napapailing at ngumingisi lang sa ginagawa ni Rei. Sila lang tatlo ang naroon.

Parang tumigil ang mundo ko nang magtama ang mga mata namin ni Rafael. He smirked and then winked at me. Parang kinuryente agad ang puso ko.

Nag-tilian ang mga kaklase ko, iniisip na sila ang kinindatan ni Rafael lalo na't marami ang nasa may harapan ko.

"Nakita niyo? Nakita niyo?! Kinindatan ako, beh!"

"Hindi! Ako ang kinindatan, beh. Huwag masyadong assuming!"

Nag-away ang dalawa kong ka-grupo na nasa harapan ko. Naka-alis na sina Rafael at wala na sa labas. Dumaan lang talaga. Nagbaba ako ng tingin sa ginagawa namin, nag-iinit ang pisngi.

"Bakit nandito sila? Ang layo ng dinayo nila, ah!"

"Baka sinisilayan kasi ako, teh."

"Gaga! Pero baka may sinisilayan nga?! Wala na si Rafael at Alyana. Baka naghahanap ng bago ngayon si Rafael?!"

"Ako nga, teh!"

"Gaga ka! Huwag ka ngang assuming!"

"Tangina, nakakanginig talaga ang kagwapuhan ni Rei!"

"Makalaglag panty, 'diba?"

"Sinabi mo pa! Nalaglag na siguro 'yong panty ko kung 'di ko lang pinigilan kanina dahil sa ngiti niya!"

"Hoy, ang dugyot naman!" anang isang lalaking nakarinig.

Nagtawanan sila. Mukhang nawala ang pagka-bored ni Trisha dahil nakisali siya sa asaran.

"Uy, Trisha. Close ka sa kanila, 'diba? Pakilala mo naman ako!"

"'Di naman gano'n ka-close, no!" tawa ni Trisha.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon