48

799 13 0
                                    

--

--




"May meet the parents na! Taray! Ikaw na talaga, Joan!" inalog alog ako ni Trisha.

Nandito siya sa condo ko at tinutulungan ako sa mga groceries ko. Dito siya minsan tuwing Sunday sa bahay. Wala kasi siyang magawa sa buhay niya kaya bored na bored at laging sa akin tumatakbo.

"Pero hindi mo sinabi sa akin noon na kina Raf ka nagtatrabaho, ha! Ang dami mong utang na chismis!"

Ngumuso ako. "Kailangan pa bang sabihin 'yon?"

"Aba'y oo naman! Crush na crush mo si Rafael tapos noong napalapit ka sa kanya, 'di mo manlang chinika sa akin?!"

"Edi sorry na..."

"Wow! Parang labas pa sa ilong ang sorry mo, ah?"

Natawa ako. "Sorry na nga!"

She rolled her eyes and looked at her phone while I'm busy placing my groceries inside my small ref.

"Grabe. Wala na ngang article about you. They just suddenly disappeared!"

Kaya nga, e. Nawawala na talaga sa social media ang mga hindi magagandang sinasabi sa pangalan ko. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng mga pagkain.

"Oh, sheesh," unti unting ngumisi si Trisha, nakatingin sa cellphone niya.

"Bakit?" tanong ko.

Hinarap niya sa akin ang cellphone. Naduling pa ako noong una sa sobrang lapit no'n pero namilog din agad ang mga mata ko nang nakita kung anong mayroon doon!

"Bago lang! But the date here said noong Thursday pa 'to nangyari! Ngayon lang nilabas!"

Agad agad kong kinuha kay Trisha ang cellphone niya. Sabay naming binasa ang isang article na bagong bago pa nga! Trending din 'yon!

"Rafael Aldama, very happy with his new girlfriend," basa ni Trisha sa title ng article.

Iyon yung nasa restaurant kami! Maraming pictures ang nakuha. Una 'yong nag uusap lang kami. Pangawala, 'yong tumatawa na si Rafael. Nakunan siyang tumatawa habang masama naman ang titig ko sa kanya. Pangatlo 'yong tumayo siya at lumapit sa akin. Pang apat 'yong hinalikan niya ako! Pang lima 'yong tumatawa ulit siya habang bumabalik sa upuan niya at nangingiti na ako!

Natulala ako. Tumili naman si Trisha at inalog alog ako.

"Finally! A very good article for the both of you!" she screamed excitedly.

Hindi ako makapaniwala. May taong kumuha ng pictures sa amin habang kumakain kami noong gabing 'yon?!

"At sa wakas din wala na si Alyana sa picture!"

Tulala pa rin ako.

"Kaya rin siguro hinayaang lumabas 'to dahil about sainyo lang namang dalawa ni Rafael at maganda pa ang title! Rafael surely the one who approved this!"

Napatingin ako kay Trisha. "P-Paano mo naman nasabing si Rafael ang nag approve niyan?"

"Duh?! This article would have been down in just a second if Rafael didn't like it?! Kaya approved niya siguro 'yang article na 'yan kaya nakatayo pa."

Napanganga ako. Kaya ba wala na 'yong ibang article tungkol sa akin dahil tine-take down agad ni Rafael?

"Well..." Trisha laughed. "Sino ba namang hindi matutuwa kung may article about you and your girlfriend tapos wala nang panirang nakasingit na iba, and tungkol nalang talaga sa masayang relationship niyong dalawa? For sure tuwang tuwa 'yon sa article na 'yan."

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon