--
--
Nasa condo at nakatitig sa laptop, tinitigan ko ang mga pictures ni Alyana sa internet.
I scrolled up and more of her pictures came out. Most of her pictures are elegant and sweet. Pero may mga pictures din siya na sexy at minsan nasa beach pa. Model ng alak o kaya man bikini.
She can be an international supermodel. Sa ganda niya, sa tangkad, sa awra, sa lakas ng dating, sa mga mata niyang nang aakit at siguradong nagca-captivate agad sa mga lalaki o kahit sa mga babae, pasok na pasok siyang maging isang sikat na modelo.
Hanggang ngayon, kahit papaano, idol ko pa rin siya. Gustong gusto ko pa rin siya. Kahit hindi naging maganda ang mga nangyari sa amin noon. Oo, meron siyang nagawa sa aking mali, pero tingin ko nasaktan lang talaga siya kaya niya nagawa 'yon. Naiintindihan ko.
Hanggang ngayon gusto ko pa rin siyang makausap para humingi ng tawad sa lahat lahat, at para magka ayos na rin kami, maging kaswal sa isa't isa, at kalimutan nalang lahat ng nangyari.
Pero ayaw ko namang maging selfish. Alam kong para sa kanya, hindi gano'n kadaling kalimutan nalang lahat. Pero gusto ko pa ring humingi ng tawad. Kahit iyon nalang.
Kinuha ni Rafael ang kamay ko at wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok sa Aldama building.
Nagkasundo kami ngayon na susunduin niya ako sa condo ko at sabay kaming dalawa na papasok kaya ngayon sabay rin kaming papasok sa building at magkahawak pa ang mga kamay!
Agad dumikit ang mga mata ng tao sa amin. Ang mga naglalakad, ang mga may kausap, ang mga papasakay sa elevator na natigil at nasaraduhan dahil nakita kami. Lahat sila halatang gulat at hindi makapaniwala sa nakikita.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Rafael sa kaba. Pumayag na akong hindi i-sikreto ang relasyon naming dalawa pero kahit papaano nakaka ilang pa rin talaga. Hindi ko naman kinakahiya. Hindi lang ako sanay na pinapanood nang ganito... yung binibigyan ng ganitong klase ng atensyon.
Yumuko si Rafael at lumapit sa tenga ko.
"Don't be shy. Aren't you proud of me?"
Tinignan ko siya at ngumuso ako.
"I'm proud of you. I'm proud that you are my girlfriend."
Kahit anong pigil ko sa ngiti ko ay nakatakas pa rin 'yon. He chuckled and continued holding my hand while we're walking. Huminga ako nang malalim at inangat ang tingin sa harapan. Chin up, Joan! You should be proud of him, too.
Dahil do'n ay nakita ko na naman ang reaksyon ng lahat. Nakita kong pinipicturan na kami ng iba at alam kong kakalat agad 'yon... pero bahala na.
"What do you want for our lunch later?" tanong ni Rafael habang nasa elevator kami.
Medyo nahiya ako dahil may mga kasama kami roon. Kami ang nasa pinaka likod. Bahagya kaming nilingon ng iba. Hinila ko tuloy ang kamay ni Rafael at inosente niya naman akong tinignan. Inilingan ko siya.
"What?" he asked.
"H-Hindi ba tayo kakain sa canteen?" bulong na bulong kong tanong para hindi kami marinig.
"We can eat at my office if you want. Ipapadala ko nalang ang mga gusto mo," malakas pa rin ang boses niya.
Hinila ko ulit ang kamay niya dahil muling napalingon sa amin ang nagbubulungan sa harap. Umangat ang gilid ng labi ni Rafael habang pinapanood ako. Halos pakiusapan ko naman siya sa mga mata para matigil na siya.
"K-Kakain ako sa canteen," bulong ko.
Nagtaas siya ng isang kilay. "Alright. Sa canteen nalang din ako kakain."
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...