50

1.2K 20 1
                                        

This is the last chapter. Thank you for reading Stolen Love until here! Next will be the Wakas! 💛

--

--




Tumayo na kami ni Alyana pagkatapos ng lahat. Napatingin ako sa juice namin na hindi manlang namin nagalaw.

"Uh, ako na magbabayad-"

"No. Ako na," ngumiti si Alyana at nagtawag agad ng waiter.

Wala na akong nagawa. Tumayo na rin si Rafael nang makitang tapos na kami. Lumapit siya sa amin at agad gumapang ang kamay niya sa aking baywang. I looked at him and he looked into my eyes. Alam kong kita niya ang halatang pag iyak ko kanina.

I smiled to assure him. Pero bumaling siya kay Alyana.

"Yes, I made her cry," agad na sinabi ni Alyana wala pa mang sinasabi si Rafael.

Napatingin ako sa kanya sa gulat. Nagbayad siya sa waiter na dumating at saglit na naging abala roon.

"Thank you," she said to the waiter.

Bumaling siya sa amin. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay ni Rafael na nasa baywang ko. Ngumiti ulit siya at tumingin sa amin.

"Huwag ka masyadong mag alala. Wala akong ginawang masama sa kanya."

"I know," Rafael said.

Nagkatinginan kami ni Rafael. Muling ngumiti si Alyana habang pinagmamasdan kami.

"I'll take care of everything. I wish you a happy life, Joan, Rafael..."

Tumingin ulit ako sa kanya.

"At sana... magpakasal na kayong dalawa. But don't invite me. I'm still bitter," she joked and laughed a bit.

Malungkot akong ngumiti habang pinapanood siya. Now, she smiled genuinely.

"Thank you for allowing me to talk to you, Joan. And thank you for allowing her to talk to me, Rafael," tinignan niya si Rafael. "I'm sorry, too, for all the things I did. I'm sorry for the things I did to Joan. I hope you two can still forgive me even after everything."

"Matagal na kitang pinatawad, Alyana..." sabi ko.

Mali. Hindi ako kailanman nagalit sa kanya. Kaya walang dahilan para patawarin ko siya.

She smiled at me. "Thank you."

Tinignan ko si Rafael. Nakatitig lang siya sa akin. Bahagya ko siyang siniko. He cleared his throat then looked at Alyana.

"You're forgiven."

Natapos doon ang pag uusap namin ni Alyana. Maginhawa na rin ang pakiramdam ko pagdating sa bahay. Ngayon, kapag maiisip ko siya, hindi na ako malulungkot... at mangingiti na. Masaya ako na maayos na kaming dalawa.

Gaya ng pinangako ni Alyana, gumawa siya ng isang pormal na video kung saan isiniwalat niya lahat ng nangyayaring issue ngayon. Kinabukasan lang 'yon pagkatapos naming makapag usap. Nagulat ako na agad agad siyang nag post.

She smiled at the camera. White ang background niya at maliwanag na maliwanag. Kitang kita ang kanyang mukha. Hanggang dibdib niya lang ang kita. Nakasuot siya ng puting t-shirt at nakalugay ang buhok.

Nasa kwarto ako ni Rafael nang ni-click ko ang video. Si Rafael nasa walk in closet niya at nagbibihis dahil katatapos niya lang maligo. Suot ko naman ulit ang malaki niyang longsleeve na white.

"Hi, to all my fans out there," bati ni Alyana sa camera. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I made this video to clear out some things. These past few days... maraming nangyayari at maraming kumakalat na issues tungkol sa akin at kay Rafael Aldama at sa... babaeng sinasabi ninyong mang aagaw."

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon