17

696 16 0
                                    

--

--






Tahimik ako habang inaayos ang mga halaman. Sa tabi ko ay si Rafael na pasulyap sulyap sa akin.

Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko. Tahimik din siya pero parang pinapakiramdaman niya ako. Hindi ko naman siya matignan.

Bukod sa pag-gugupit at pag-dedesign, naisip ko ring ibahin ang ayos ng mga halaman ni Ma'am Solenn. Tutal ang sabi niya naman ako nang bahala sa lahat ng ito, susulitin ko na. Kapag nalang hindi niya nagustuhan doon ko nalang aayusin ulit.

Tumikhim si Rafael. Napatingin ako sa halaman na inaayos niya.

Marunong na siya kaya hindi ko na siya kailangang turuan pero napansin kong wala pa siya masyadong nagagawa roon.

"What design should I do here?" tanong niya.

"Uhm... wait."

Tumayo ako at pinuntahan ang bag ko sa lamesa. Sinundan ako ng tingin ni Rafael.

Nakasuot siya ng gloves at may hawak siyang gunting pero hindi pa siya nagsisimula.

Kinuha ko ang bag ko. Nilabas ko roon ang mga papel na pina-print ko. Maraming halaman na may iba't ibang design doon na pwede niyang gayahin.

Naramdaman ko ang pag-lapit ni Rafael. Tumayo na pala siya at hindi ko manlang namalayan na nasa likod ko na siya.

Pag-harap ko ay halos manlaki ang mga mata ko sa lapit niya. Umatras ako dahilan ng pag-tunog ng lamesa sa likod.

Napakurap kurap ako. Nagkatitigan kami sandali at halos atakihin ako sa puso.

Kabado kong nilahad sa kanya ang mga papel at nag-iwas ng tingin.

"M-Mga design 'yan ng mga halaman. Gayahin mo nalang kung gusto mo..."

Kinuha niya ang mga papel at tinignan 'yon isa isa.

"I don't know how to do these, though."

I swallowed the lamp in my throat. I couldn't look at him. Sa gilid ako nakatingin.

"P-Pwede mo namang gawin 'yong tinuro ko sayo kung hindi mo alam 'to..."

"I want to do what you're doing."

Ramdam ko ang titig niya. Sinulyapan ko ang halaman kong medyo mahirap na design ang naka-gupit.

Dahan dahan akong tumango kahit alam kong mahaba habang pag-tuturo 'yon dahil medyo mahirap ang design at kaka-aral ko lang din do'n.

Umupo ulit kami sa harap ng mga halaman. Kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-titig ni Rafael sa akin.

Hindi ko siya nilingon at agad nalang tinuro sa kanya ang ginagawa ko.

Isa isa kong tinuro sa kanya ang dapat na gawin. Mabagal at malinaw para masundan niya ako.

Medyo nagtagal kami roon dahil do'n. Hindi ko pa rin siya matingnan habang ramdam ko naman ang bawat pag-tingin niya sa akin kada minuto.

"Is this fine?" kada minuto rin yata siyang nagtatanong.

Sinulyapan ko ang halaman niya at tumango. "Tuloy mo lang..."

"I don't know if it's good or not. Can you tell me?"

Parang may mga paro-parong nagliliparan sa tyan ko.

Tinignan ko ulit ang halaman niya. Gaya ng dati, mas maganda pa rin ang gawa niya kaysa sa akin.

Nakatitig siya sa akin habang pinagmamasdan ko 'yon.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon