13

586 17 0
                                    

--

--






Naging abala ako sa mga sumunod na araw.

Naging busy rin si Trisha kaya naintindihan niya noong sinabi kong hindi ako makakasabay sa kanya sa lunch.

May gagawin kasi kami ng mga ka-grupo ko sa research at marami silang tanong sa akin dahil magaling daw ako sa english kaya nasa library kami buong lunch.

Tinapay lang ang kinain naming lahat at sapat na 'yon matapos lang ang isang paper.

Hindi namin natapos nang isang oras 'yon pero kahit papaano nagawa naman namin. Mamaya raw namin ipagpapatuloy sa uwian. Bawal naman ako no'n kasi may trabaho pa ako sa coffee shop.

Sa coffee shop naman ay abala rin ako dahil dumarami ang estudyante. Sa coffee shop sila gumagawa ng mga projects nila para sa school.

Kaya kahit doon ay pagod pagod ako pero ayos pa rin dahil hindi naman ako nawawalan ng energy.

Pag uwi sa bahay nang gabi ay nakakapag linis pa rin ako at nakakagawa ng schoolworks.

Sumunod pa ang mga araw. Hindi na ako nakakasabay kay Trisha mag-lunch. Marami naman siyang kasama kaya hindi naman ako nag-aalala.

"Ano kayang nangyayari? Napapadalas na 'to, ah?"

Naririnig ko ang mga ka-grupo ko sa research habang nasa library kami at may pini-print na isa nalang na papel.

Iyon nalang ang hinihintay namin para makabalik na kami sa classroom dahil patapos na ang lunch. Kailangan na naming bumalik at mamaya na nila ulit ipagpapatuloy 'yon.

Hindi sila nagrereklamo na hindi ako nakakatulong sa tuwing uwian. Alam nila na may trabaho ako at naiintindihan nila 'yon. Sabi nila malaki naman daw ang tulong ko kapag dito kami sa school gumagawa.

"Maybe they're just trying to work it out pero wala na talaga?"

"Pareho na silang busy kaya hindi na nakakapag taka."

"Pero sayang 'yon. Two years din sila."

Hindi ko alam kung sino ang pinag uusapan nila pero may palagay na ako kung sino.

"Baka may third party?" humalakhak ang isa.

"Wala naman akong nababalitaan na ganyan. Basta nagkakalabuan na raw silang dalawa."

"Well, Alyana is busy with her studies. Baka dahil do'n?"

"Busy rin naman si Rafael. Ano 'yon? Hindi nila maintindihan ang isa't isa?"

Si Rafael at Alyana nga ang pinag uusapan.

"Ganyan naman talaga. Walang nagtatagal kapag busy kayo pareho."

Dumadalas ang usapan tungkol sa relasyon nilang lumalabo na raw. May mga nagsasabi naman na nag aaway lang like the other normal couples kasi may gano'n naman daw talaga. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko, e.

"Pero sayang pa rin sila. Kung maghihiwalay 'yan, siguradong maraming manghihinayang."

"Si Alyana lang ang nakapag pabago kay Rafael. Sana naman silang dalawa na hanggang dulo."

"Baka naman kasi nag aaway lang talaga sila pero hindi naman maghihiwalay?"

"Kaya nga. Lahat nalang talaga ginagawang big deal ng mga tao."

"E, bakit ba hindi niyo nalang sila hayaan? Maghiwalay man sila o hindi, buhay nila 'yan. Labas tayo dyan."

Ilang beses na akong nakarinig ng ganito pero lagi ko namang nakikita na okay lang sina Rafael at Alyana, kaya hindi na bago sa akin 'yon. Hindi ko na masyadong iniisip dahil alam kong hindi naman sila maghihiwalay.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon