--
--
Kinabukasan, Sabado, papunta ulit ako sa mga Aldama. Nagsuot lang ako ng itim na t-shirt, jeans at puting sapatos.
Tuyo na ang buhok ko kaya tinali ko na 'yon bago umalis. I cling to my shoulder bag on my body while walking.
Wala pa rin daw sina Ma'am Solenn at baka sa isang linggo pa dumating. Si Ate Vicky ulit ang nag-giya sa akin sa mga gamit ko roon.
"Ayaw mo muna bang kumain sa loob? Nag-almusal ka na ba?"
Umiling ako kay Ate Vicky. "Tapos na po akong kumain. Uhm..."
Naisip ko ulit si Rafael. Hindi ako nagpaalam kahapon sa kanya. Sinabi niya ring hintayin ko siya pero hindi ko ginawa.
Galit kaya siya?
"Napag-paalam niyo po ba ako kay Rafael kahapon? Na mauuna na?"
Ngumisi si Ate Vicky. "Oo. Sinabi ko noong bumalik siya sa kusina pero wala ka na. Mukhang nagalit ang alaga ko na umalis ka agad."
"P-Po?"
"Pero pinaliwanag ko naman na may trabaho ka pa kaya umalis ka na at hindi mo na siya nahintay."
Napalunok ako.
"Siya, sige na. Marami pa akong gagawin sa loob. Pumasok ka lang sa bahay kapag mag-papahinga ka saglit o kapag nagutom ka, ha? Makikita mo agad ako."
Tumango ako nang dahan dahan kay Ate Vicky.
"Salamat po..."
Umalis siya at naiwan akong mag isa.
Napapa-kamot ulo kong hinubad ang bag ko at kinuha na ang mga gamit na kakailanganin ko.
Hindi naman siguro galit si Rafael? Kung pinaliwanag sa kanya ni Ate Vicky na may trabaho pa ako, siguro naman maiintindihan niya, 'diba?
Ngumuso ako at nag-hanap na ng halaman.
Sa kabilang banda naman ako ngayon mag-gugupit. Ang dami roon kaya dinalaw ulit ako ng excitement.
Nag-simula ako sa trabaho. Sinadya kong itim ang suotin ngayon para kahit marumihan ako, hindi masyadong makikita.
Malakas ang simoy ng hangin. May mga kasambahay akong nakikita at dalawang guard na nag-lalakad lakad sa buong bakuran, nagba-bantay.
Ang mga kasambahay ay napapatingin saglit sa akin pero binabalewala naman nila ako agad. Habang ang mga guard naman na naka-itim ay parang inasahan nang nandoon ako.
Nakita naman na nila kasi ako kahapon. Ang ibang kasambahay ay hindi pa.
Isang oras palang akong nag-gugupit doon ay may natanaw na ako sa 'di kalayuan.
Kalalabas lang sa malaking bahay nila at seryoso agad ang mga matang nakatanaw sa harapan, sa akin.
My heart pounded when I saw his eyes. Humakbang siya at akala ko maglalakad siya palapit sa akin pero bigla siyang lumiko, papunta sa likod-bahay nila.
His eyebrows were furrowed and he looks pissed about something. Naka-suot siya ng isang blue t-shirt at shorts. Nakapam-bahay lang kaya mukhang hindi naman aalis at sa likod lang talaga pupunta.
Ngumuso ako nang mawala na siya sa paningin ko. Binalik ko ang atensyon ko sa mga halaman at inisip ang ekspresyon niya.
Galit nga yata siya base sa nakakunot niyang noo at nakasimangot na mukha.
Pero bakit naman siya magagalit? Akala ko ba pinaliwanag na ni Ate Vicky sa kanya kung bakit hindi ko na siya nahintay kahapon?
Tsaka... bakit ko ba siya kailangang hintayin kahapon? May... kailangan ka pa ba siya sa akin no'n? May... pag uusapan pa ba dapat kami?

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...