28

628 11 0
                                    

--

--





"Free ka ba mamaya, Joan?" tanong ni Trisha nang puntahan niya ako dito sa cubicle ko.

Masyado na yata siyang bored at nagtatanong na naman ng ganito. Alam na alam ko na ang mga gagawin namin kapag tinatanong niya 'to sa akin.

"Ayoko mag bar," sabi ko agad.

"Hindi naman tayo magba-bar, ito naman! Nagtatanong pa nga lang ako."

I sighed. "Oo, free ako mamaya. Patapos naman na ako rito. Aano ba?"

She smiled widely. "It's Nica's birthday! She invited us."

"Edi sa bar nga?"

"Syempre! That's Nica, hello?"

Ngumuso ako.

"Come on! It's friday night naman! Day off natin bukas so it's fine!"

Tumango nalang ako. "Oo na, sige..."

Accountant si Trisha nitong kumpanyang pinapasukan namin ngayon. Habang Business Manager naman ako. Medyo malapit lang ang trabaho namin sa isa't isa kaya magkalapit lang kami ng opisina. Madali niya akong napupuntahan kahit kailan niya gusto.

Kung bakit pareho kami ng kumpanyang pinagtatrabahuhan? Dahil ayaw niyang mahiwalay sa akin. Kung saan ako nag apply, do'n din siya nag apply. At hindi lang ako sa kumpanya na 'to nag apply, marami akong in-applyan. At nag apply din siya sa mga kumpanyang 'yon.

Ewan ko ba. Para ko na siyang anino dahil ayaw niya nang humiwalay sa akin. Kulang nalang tumira na rin siya sa bahay ko, e.

At sa totoo lang? Hindi niya naman na kailangang magtrabaho. May sarili silang kumpanya ng pamilya niya at nag iisa lang siyang anak kaya isa lang ang ibig sabihin no'n. Tagapagmana siya. Maybe now she's just practicing some things to handle their business. Pero hindi siya nagpapractice sa sarili niyang kumapanya. Dito siya, sa akin, sa kung nasaan ako.

Sa kumpanya na 'to ako natanggap. Natanggap din naman ako sa iba pero itong kumpanya na 'to ang pinili ko. Bakit? Dahil... ito ang kumpanya ng pangalawang Aldama, si Rafael Aldama. Ang Daddy ni Rafael.

Alam kong parang ang kapal ng mukha ko na ito pang kumpanya nila ang pinili ko. Pero umaasa lang naman kasi ako na makikita ko si Rafael kahit papaano. Magmula kasi noong third year ako, pagkatapos nung sa cafeteria, hindi ko na siya kailanman nakita. Para bang... iniwasan niya na talaga ako no'n. Alam niya agad na hindi na ako lagi sa library, kaya pati sa cafeteria ay hindi na ulit siya nagpunta.

Nag alala ako sa kanya no'n kasi inisip ko saan na siya kumakain? Kung gusto niya akong iwasan, huwag naman sana 'yong pinapabayaan niya na ang sarili niya. Hindi ko naman siya guguluhin kapag nasa cafeteria kami, e. Kung gusto niya hindi ko na rin siya titignan. Kaya bakit pati roon, kailangan niya akong iwasan?

At hindi na talaga siya nagpakita pa sa akin. Gano'n ba talaga katindi ang galit niya? Gano'n ko ba talaga siya nasaktan? Hindi naman gano'n kasama ang paghihiwalay namin, 'diba? Nagyakap pa nga kami bago nagpaalam sa isa't isa kaya bakit nagkaganito?

Ngumiti si Trisha at inakbayan ako. Papasok na kami ngayon sa bar kung saan gaganapin ang birthday party ni Nica. All black ang theme kaya naka all black kaming dalawa. Nakasuot ako ng black off shoulder top at black high-waist jeans tapos black stilletos. May black din akong bag sa balikat. Naka ponytail ang straight at mahaba kong buhok.

Si Trisha naman ay nakasuot ng black spaghetti strap na pinatungan niya ng black leather jacket, tapos black leather skirt, at black heals. Kinulot niya ang buhok niya at ni-ponytail din tapos may strand ng buhok niya na naiiwan sa magkabilang gilid ng mata niya. May malaki at bilog siyang earrings sa tenga habang punong puno naman ng black bracelets ang pulsuhan niya.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon