--
--
Nang mag-linggo ay wala naman masyadong nangyari. Wala si Rafael sa bahay nila noong nagtrabaho ako.
Siguro umalis para makipag hang out sa mga kaibigan niya. Mag-hapon siyang wala.
"You're not gonna believe this!"
Natigil ako sa malalim na iniisip nang biglang dumating si Leya, isa sa mga kaibigan ni Trisha.
Mukha siyang may sasabihing ikagugulat naming lahat at nanlalaki pa ang mga mata niya.
Kaya ang mga kasama namin dito sa bench, sa harap lang ng building namin, ay agad nabaling sa kanya ang atensyon. Pati na rin ako.
"Wala na si Alyana at Rafael!" anunsyo niya.
"What?!"
Napatayo silang lahat sa sobrang gulat.
Nagulat din ako. Napa ahon ako sa pagkakaupo. Trisha also looked so shocked and she doesn't know who to look at.
"Totoo ba?"
"Hindi nga?"
"You're joking!"
"I'm not gonna believe that!"
Tinaas ni Leya ang kamay niya na para bang pinapakalma ang lahat.
"Okay! Okay! Alam kong hindi kapani-paniwala. Wala pa rin namang confirmation sa kanilang dalawa pero hindi na raw sila nagsa-sabay tuwing lunch! Hindi niyo ba napapansin?!"
Nagkatinginan silang lahat.
"And hindi rin sila nag-sama noong birthday ni Rhian! Ni hindi sila nag-usap sa party! Alyana was with her friends and gano'n din si Rafael the whole time! As in! They didn't talk at all!"
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko gulat. Gulat na gulat ako at pakiramdam ko hindi totoo lahat ng sinasabi niya. Ayaw ko ring maniwala.
"Kaya ngayon kumakalat nang hiwalay na sila! Akala noong iba nung una nagka-tampuhan lang kasi, 'diba, nitong mga nakaraang araw palagi naman silang nag aaway? They thought they just had another fight tapos magbabati rin agad. But it's been almost two weeks now! Hindi pa rin sila nagpapansinan?! Sila pa ba sa lagay na 'yan?!"
Two weeks? Almost two weeks na?! Nasa kina Rafael lang ako noong Biyernes, Sabado at Linggo! Ibig sabihin wala na sila no'n? Imposible!
"But it's too impossible!"
Hindi pa rin makapaniwala sina Trisha.
"Ikaw, Trish? Wala ka bang napansin? Kasama ka noong birthday ni Rhian, ah? You're always close to their circle, hindi mo ba napansin?"
"Well..." napaisip si Trisha. "Nag-greet naman si Alyana sa mga Aldama. Binati niya ang lahat ng friends ni Rafael. But... yeah kasama niya nga ang mga kaibigan niya the whole night. But I also just thought na may kaunting tampuhan lang sila ni Rafael. Gano'n sila kapag nagka-tampuhan!"
"Pero inabot ng isa-dalawang linggo? E, dati isang araw lang bati na sila!"
"Hindi na ako nakakapag lunch sa cafeteria dahil sa dami ng ginagawa kaya hindi ko na sila masyadong nakikita. Hindi na pala sumasabay si Alyana kay Rafael kumain?"
"Oo! Kalat na kalat nang hiwalay na sila!"
Hindi pa rin ako makapaniwala.
It's just too impossible. Ayokong maniwala. Hindi totoo 'yon! They are strong! Their relationship is strong! Hindi sila maghihiwalay!
Wala akong napansin nitong mga nakaraang araw dahil abala ako sa schoolworks, sa trabaho, sa bahay, at sa mga Aldama. Halos wala na rin akong time pumuntang cafeteria para kumain ng lunch.

BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...