30

749 13 0
                                    

--

--




Masakit ang ulo ko kinabukasan. Uminom agad ako ng gamot at maraming tubig. Marami pa akong gagawin ngayon sa condo ko kaya kailangan kong kumilos.

Lumipat na ako sa maliit na condo. Pero mas malaki naman 'to kaysa doon sa apartment ko dati, at mas malapit sa kumpanya ng mga Aldama. Noong isang taon ko lang 'to binili kaya nag aayos ayos pa rin ako hanggang ngayon. Medyo abala kasi ako sa trabaho lagi. Madalas din akong mag OT, kaya 'di ko masyadong naaalagaan.

Maliit lang naman 'yon at sakto lang sa akin. May maliit na sala, maliit na kusina tapos isang kwarto lang. Nandoon na rin sa loob ng kwarto ko ang maliit kong banyo. Kulay puti ang dingding at ceiling. May maliit akong balcony sa may sala kaya maliwanag naman at pwede ring sampayan. Doon din ay may mga alaga akong halaman at bulaklak.

Mag go-grocery ako ngayon dahil wala nang laman ang maliit kong ref. Tsaka bibili na rin ng iilang gamit na kailangan tulad ng hanger para sa mga damit ko, at kurtina para sa balcony naman. Iyon palang muna ang naka budget para sa mga gamit ko ngayon.

Sa loob ng maraming taong mag isa ako hindi ko naman naramdamang mag isa talaga ako. Nandyan naman lagi si Trisha. Paminsan minsan pa siyang nag s-sleep over sa apartment ko dati tapos ngayon sa condo ko naman minsan din.

Nasa mga gulay na ako ng supermarket at naniningin. Medyo mahal ang gulay dito pero okay naman dahil malinis at magaganda ang tinda. Mga bago at fresh. Tsaka ako lang naman mag isa sa condo ko kaya hahayaan ko na ang sarili kong mamili ng mamahalin kahit minsan lang. At kahit sa pagkain lang.

Nakakita ako ng repolyo at kukunin na sana nang may kamay rin na kumuha. Agad agad kong nabitawan ang repolyo at napatingin sa babaeng nakasabay. My eyes widened when I saw who it is.

"Alyana..." nasabi ko sa sobrang gulat na makita siya roon.

Halata rin sa mukha niya ang gulat. Maraming pinagbago sa kanya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at masasabi kong mas lalo lang siyang gumanda at naging elegante. Nakasuot siya ng white longsleeve dress. Kung dati mahaba ang buhok niya, ngayon hanggang balikat nalang 'yon. Chocolates, gatas, gulay, juice at ice cream ang laman ng cart niya.

Mabilis akong umatras habang tinititigan siya. She also looked at me from head to toe.

"Joan... Y-You're here," she said.

I heard she's a model now. Nakikita ko ang mukha niya sa kahit saan. Brand ng pabango, damit, sapatos at kung ano ano pa. Minsan ko na rin siyang nakita sa isang malaking billboard. Sikat na siya sa buong Pilipinas.

I hesitated to smile. "H-Hello. Uh..."

Napatingin ako sa repolyo. Tumingin din si Alyana roon.

"S-Sayo na 'yan. Uhm, titingin nalang ako ng iba..." sabi ko.

Bumaling ako sa iba pang repolyo. Magaganda naman lahat kaya hindi na mahirap pumili at marami pa roon.

Nanatili si Alyana sa gilid ko. Dahan dahan niyang kinuha ang repolyong hinawakan namin kanina at nilagay 'yon sa kanyang cart. Sa gilid ng mga mata ko ay pinagmamasdan ko siya. Naglagay rin ako ng repolyo sa cart ko.

Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba galit pa rin siya. Siguro alam niya na ngayon na hindi naman kami nagkatuluyan ni Rafael. Pero isa lang ang sigurado ako... mahal niya pa rin si Rafael.

May mga naririnig kasi ako na... nakikipag kasundo ang pamilya niya sa mga Aldama. Gusto ng mga Sison na ipakasal ang unica hija nilang si Alyana... kay Rafael.

Naririnig ko lang naman 'yon pero may palagay akong totoo ang kumakalat. Hindi naman magiging mahirap para sa dalawang pamilya 'yon... dahil naging magkarelasyon naman noon ang dalawang pinagkakasundo.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon