4

719 13 0
                                    

--

--






Pinagsuot ako ni Trisha ng isang sky blue simple dress. Nilagyan niya rin ako ng necklace at earrings. She sparyed some perfume on me and then did my make up lightly.

Maganda siya mag make up at simple lang. Para bang natural ko lang 'yong itsura. Pinahiram niya rin ako ng white stilettos.

"You're beautiful!" papuri ni Trisha.

Ngumuso ako dahil hindi ako naniniwala.

"Hindi ba masyadong OA 'tong suot ko?"

Natawa siya at siya naman ang nag make up sa sarili niya.

She's now wearing a simple red off shoulder dress. Make up nalang ang kulang.

"Of course not. Malaki ang venue so for sure magarbo 'yon!"

Malaki ang kwarto ni Trisha. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay siyang matapos.

Nang matapos naman siya ay agad na niya akong niyayang umalis. Suot ko pa rin ang shoulder bag kong kulay itim.

Hinayaan niya na rin ang buhok ko dahil alaga ko talaga ang buhok ko. Ayaw kong pinaplantsa o kinukulot o ano pa man.

Excited si Trisha nang makarating kami sa venue.

Tama nga siya. Malaki ang venue at marami na ring tao. Open area 'yon pero may puno naman kaya hindi masyadong mainit. Maraming tables at pamilyar sa akin lahat ng mukha na nandoon.

Namangha at napangiti ako nang makakita ng mga bulaklak sa paligid. Parang garden ang buong venue kaya maraming halaman at bulaklak. Iba't iba ang mga bulaklak na naroon kaya iba iba rin ang kulay nila.

Marami agad bumati at nakipag beso kay Trisha. I smiled at some of my classmates and schoolmates who greeted me.

Hindi ako sanay sa gano'n kaya hindi ko alam kung ano magiging reaction kaya ngumingiti nalang ako.

May stage sa pinaka gitna habang nasa gilid naman ang mga pagkain. May malaki pang cake. Damuhan ang tinatapakan namin.

Sinalubong kami ni Alyana nang makita niya kami.

"Trisha! Joan! You came!"

She's wearing a pink tube dress with her pearl jewelries. Naka high ponytail at sobrang ganda ng make up. She's very beautiful.

Ngumiti ako nang magbeso silang dalawa ni Trisha.

Pero nagulat ako nang lumapit din si Alyana sa akin at bumeso.

She smiled and I smiled awkwardly.

She's just my role model before but now... hindi ako makapaniwala.

"Upo kayo! Nandito si Nica."

Hinatid niya kami sa table noong Nica.

"Hi, Nica! You're here!" pag-bati ni Trisha sa nasa table.

"Tss. Napilit lang ako rito," Nica said.

Natawa si Trisha at Alyana sa sinabi noong Nica. Napatitig naman ako sa kanya.

She's wearing an all black outfit. Black croptop shirt, black jeans, black boots, and full of jewelries on her wrist, neck and ear. Nakalugay ang itim at alon alon niyang buhok. Her eyes are like the cat and peircingly sharp.

She's a bit... scary... for me.

Umupo kami ni Trisha sa table nila. Hindi ako masyadong close sa mga nandoon pero mababait naman sila at binabati ako.

Binati rin ako ni Nica and she somehow smiled so I was a bit relieved.

"I'll leave you two here, okay? May pagkain doon, kuha lang kayo!" Alyana said nicely.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon