--
--
Pangisi ngisi si Trisha habang nagbabalik kami ng tray. Nagtataka na ako dahil kanina pa siya ganito magmula noong bumalik siya sa table namin. Gusto ko na rin tuloy tanungin kung nabaliw na ba siya.
Nauna na si Mikael sa amin dahil may trabaho pa raw siya habang pabalik palang kami ni Trisha sa floor namin.
"Ano bang nangyari?" tanong ko.
Umiling siya at ngumisi sa akin. "Wala naman."
"Kanina ka pa ganyan. May boyfriend ka na naman ba?"
"Huh? Wala, no! May iniisip lang ako."
"Ano?"
She smirked at nagtagal ang titig sa akin. "Secret."
Hindi nalang ako nagsalita ulit. Bahala nga siya.
Nag abang kami sa elevator. Kami lang dalawa ang naroon. Sa second floor kasi kami at nasa first floor itong canteen kaya kailangan naming pumanik.
Bumukas ang elevator at hindi ko inaasahan ang makikita namin sa loob. Mabilis na naubo si Trisha kahit wala naman siyang kinakain o iniinom. Tumikhim tikhim siya at hinawakan ang lalamunan habang gulat akong nakatitig kay Rafael na nasa loob ng elevator!
Siya lang mag isa roon. Nakasuot siya ng white polo longsleeve na nakatupi hanggang siko niya. Bahagya siyang nakasandal sa dingding ng elevator at nasa bulsa ang dalawang kamay. He looked at me coldly at hindi manlang nagulat na makita ako. Para bang inasahan niya nang makikita niya ako roon o hindi ko alam!
"Ugh. Kailangan ko pa yatang uminom ulit ng tubig. Sandali lang, Joan, ah? Balik lang ako sa canteen. Mauna ka na," ani Trisha at uubo ubong umalis habang hawak hawak ang kanyang lalamunan.
"Trish!" tawag ko pa pero dere deretso na siya at nawala agad sa paningin ko.
Bakit naman ngayon pa siya naubo?
Kinagat ko ang labi ko at kabadong napatingin ulit sa elevator. Nakatitig pa rin si Rafael sa akin. His head tilted a bit and I almost shivered because he didn't even smile or something. Ganito naman lagi ang ekspresyon niya noon pa man pero hindi ko pa rin magawang masanay.
"Are you going to get in?" malamig niyang tanong.
Mabilis akong tumango sa takot na baka mairita siya sa tagal kong nakatayo lang doon!
Ano ka ba naman, Joan!
Pumasok ako sa elevator at tinalikuran siya. Nasa likod ko siya. Pinindot ko ang second floor at sumarado agad ang elevator.
For a moment, pinagdasal ko na sana may biglang humabol para pumasok din pero sumarado nalang ang elevator at kami nalang dalawa ang naiwan!
Pinigilan kong mapapikit dahil alam kong nakikita niya ako sa repleksyon ko sa harap. Nakikita ko rin siya. Mariin ang titig niya sa likod ko kaya mas lalo akong kinakabahan. Pinaghawak ko ang dalawang kamay ko sa harapan ko at pinaglaro 'yon doon.
"Had fun talking to Engineer Sanchez?" biglang nagsalita si Rafael sa likod ko na sobra kong ikinagulat. Lalo na sa tanong niya!
"H-Huh?" bahagya ko siyang nilingon pero hindi ako nakasagot. Alam kong si Mikael ang tinutukoy niya.
I heard him smirked. "What now? Trisha is pairing you up with that guy?"
Hindi ako nakasagot. Gusto kong sumagot pero nakagat ko ang labi ko. Oo, pine-pair-up sa akin ni Trisha si Mikael pero bakit parang hindi magandang isagot 'yon sa kanya?
"Did you have fun?" muli niyang tanong.
"S-Sakto lang..." shit! Bakit parang mali ang sagot ko?
"You like him?"
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...