21

651 12 0
                                    

--

--




Nagpu-punas ako ng table habang iniisip ang mga sinabi ni Rafael noong hinatid niya ako sa apartment ko. Oo, hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yon. Kanina pa ako ganito at pakiramdam ko nakakasama na ito sa akin!

Pumikit ako nang mariin at ngumuso. Date... Isa 'yon sa mga sinabi niya na bumabagabag sa akin. Wala akong oras para sa date pero... nakaka-tempt makipag date... sa kanya. Lalo na dahil kung magda-date kami, magiging first time ko 'yon...

Shit! Umiling ako at pinagpatuloy nalang ang pagpu-punas. Kapapasok ko lang dito kung ano ano na agad ang iniisip ko!

Pabalik na ako sa counter para ilapag ang basahan doon nang may pumasok sa coffee shop. Kaunti lang ang tao ngayon at medyo tahimik kaya napalingon ako sa pag-tunog ng pintuan.

Bitbit ang isang laptop, dere deretsong naglakad si Rafael patungo sa isang bakanteng table. Umupo siya roon at nilapag ang laptop sa lamesa. Nag-tama agad ang mga mata naming dalawa pero nag-panggap siya na parang wala lang at binuksan ang kanyang laptop.

Sinabi niya na sa akin kanina na pupunta siya rito ngayon. Mag-aaral daw siya. Naisip kong pwede namang mag-aral sa bahay pero naisip ko ring baka hindi siya masyadong makapag-focus doon kaya mas gusto niyang dito nalang. First time ko nga lang siya makikitang dito mag-aaral.

Hindi naman ako gano'n ka-inosente para hindi malaman kung bakit talaga siya nandito ngayon. Mag-aaral siya, oo. Pero alam kong may iba ring dahilan bakit siya nandito.

Ngumuso ako at bumalik sa counter. Nakita ko si Lucas na lumabas galing sa loob ng kitchen. Ngumiti siya nang makita ako.

"Wala masyadong tao?"

Umiling ako at inabala ang sarili sa mga cups. Maya't maya kong sinusulyapan si Rafael sa kanyang table.

"Maya maya siguro magkakaroon na..."

Tumango si Lucas. Lumapit siya sa akin habang marahang nagakakamot ng ulo.

"Uhm, Joan..."

"Hmm?"

Muli kong sinulyapan si Rafael. Nakita ko siyang nag-angat ng tingin sa gawi ko at kumunot ang noo.

"May trabaho ka pa rin ba sa weekends?" tanong ni Lucas sa akin.

"Uh, oo. Meron. Bakit?"

"Wala ka talagang time na ano..." napakamot ulit siya sa ulo niya.

Inalis ko ang tingin ko kay Rafael at bumaling na kay Lucas.

Kilala ko na si Lucas mag mula pa noong nag simula akong mag trabaho rito sa coffee shop. Isa siya sa mga umalalay sa akin dahil baguhan pa ako no'n. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ako matututo agad. Medyo masungit kasi 'yong ibang ka-trabaho ko dati lalo na ang mga babae. Siya lang ang nagtitiis na turuan ako sa mga simpleng bagay.

Matangkad si Lucas pero may pagka-payat siya. Magkasing edad lang kami at nag-aaral siya medyo malayo sa school ko. Malayo siya kaya dito lang kami sa coffee shop laging nagkikita.

Gwapo naman si Lucas pero kapag tinignan mo siya, may pag-kabata pa rin ang mukha niya kaya minsan tingin ko sa kanya nakababatang kapatid ko na.

"Na ano, Lucas?" tanong ko.

"One Americano," isang malamig na tinig ang nag-patigil sa amin.

Pareho kaming napalingon ni Lucas sa counter kung saan nandoon si Rafael. Hindi ko manlang namalayan na lumapit na pala siya. Nasalubong ko agad ang madilim niyang mga mata niya. Nakasuot siya ng itim na t-shirt, faded jeans at white shoes.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon