23

797 18 1
                                        

--

--




First kiss!

First kiss ko 'yon!

Nag iinit ang pisngi ko habang tinititigan ang pagkain na dinala ni Rafael para sa akin. Kahit noong naglelecture ang teacher, hindi nawala sa isip ko ang halik na ginawa namin!

Hindi ako marunong humalik dahil first time ko 'yon kaya hiyang hiya ako sa kanya. Pinagtawanan niya lang naman ako at sinabing hindi big deal 'yon pero para sa akin big deal 'yon!

Nakatitig si Trisha sa akin. Busy ako sa pag-iisip ng nangyari at ng pagkain ngayon sa harap ko na dinala na naman ni Rafael kaya hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatitig.

Nilingon ko siya sa tabi ko. Nandito kami sa bench sa harap lang ng building namin. Katatapos lang namin nina Iyah sa library at maaga kaming natapos ngayon kaya niyaya ko si Trisha kumain since may baon din naman siya ngayon at alam kong gusto niya na akong makasama.

Pa-sikretong inabot lang ni Rafael itong pagkain sa akin doon sa library pagkatapos niyang malaman na maaga kaming natapos ngayon. Tapos bumalik din siya agad sa cafeteria para kumain at sabayan ang mga kaibigan niya. Tinetext ko kasi siya dahil ang sabi niya mag-update ako lagi sa kanya.

"Bakit?" tanong ko kay Trisha na nanliliit ang mga matang nakatitig sa akin na para bang may tinatago akong sikreto.

"Hindi ako nagsasalita pero... may mga naririnig ako, Joan."

Natigilan ako.

"There's this... chismis na... kumakalat."

Hindi ako nakapag salita.

"Joan... is that true?" she asked.

"A-Alin?"

Nag iwas ako ng tingin at binuksan ang pagkain na nasa container. Naipon na ang mga container sa bahay dahil dito sa mga binibili ni Rafael para sa akin.

Trisha sighed. "You know what I'm talking about. Usap usapan na may bagong pinopormahan ngayon si Rafael. O baka bumalik na siya sa dating siya na playboy because wala na sila ni Alyana. Pero mas sinasabi nila na may bago siyang pinopormahan at hindi na talaga playboy, e..."

Kinagat ko ang labi ko at napayuko.

"Totoo bang ikaw ang pinopormahan ni Rafael?" diniretso niya na.

Hindi ko alam ang sasabihin. Oo, hindi ko pa sinasabi sa kanya. May tiwala naman ako kay Trisha pero hanggat maaari ayaw ko pa muna talagang may maka alam. Nakokonsensya ako at pakiramdam ko mali 'to. Pero hindi ko naman mabitawan.

"Marami nang nagsasabi. Marami nang nagtatanong sa akin. Actually, noong isang linggo pa sila nagtatanong, Joan."

Hindi pa rin ako makapag salita.

"Sinasabi ko lang na hindi totoo 'yon sa tuwing may nagtatanong sa akin, pero ayaw ko ring magtanong sayo," ngumuso siya at may pagtatampo sa mga mata. "Gusto ko ikaw mismo ang magsabi sa akin pero wala ka namang sinasabi kaya hindi ko na napigilan ngayon..."

Tinignan ko siya.

"Ang daya mo. Hindi ka na nagsasabi ngayon," nagtatampo niyang sinabi.

"Trisha, hindi sa gano'n..."

"So, totoo nga?" nilingon niya ako.

Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. Tumango ako.

"Oh gosh? Totoo?" biglang nagbago ang tono ng boses niya.

Tumango ulit ako.

"Oh my, Joan! Natupad na ba talaga ang pangarap mo?!" medyo napalakas na roon ang boses niya.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon