5

782 12 0
                                    

--

--






Natapon ang mga dala kong libro nang bungguin ako ni Klariz.

Kumalabog 'yon sa sahig dahilan ng pagtingin ng ibang students sa gawi namin habang nag aaral sila nang tahimik sa table nila.

"Sorry..." I said apologetically to them.

Humagikgik ang mga kasama ni Klariz including her.

Isa isa ko nalang pinulot ang mga librong isosoli ko sana dito sa library. Kapag nasira 'to, ako ang magbabayad kaya kailangan kong ingatan.

"Tingin mo ang taas mo na porket ilang beses kang pinagtanggol ni Alyana?"

Natigil ako saglit sa pagpupulot ng mga libro dahil sa sinabi ni Klariz pero agad ko ring pinagpatuloy.

"And she even invited you on her birthday, huh? Tingin mo mataas ka na rin no'n?"

Tumayo ako at tinignan sila.

Ayoko ng away lalo na't nandito kami sa library kaya umiling lang ako.

"Hindi sa gano'n-"

"You think belong ka na sa amin? O iniisip mo na ngayong magkaibigan na kayo ni Alyana?" natatawa niyang tanong.

Hindi ako nakapag salita.

Oo, inaamin ko. Sa sobrang bait niya akala ko nga... magkaibigan na kami.

Hindi ba? Hindi pala?

"Come on, Joan! Hindi makikipag kaibigan si Alyana sa isang tulad mo. You think ka level mo na kami dahil lang ang bait niya sayo at pinagtanggol ka niya? No! We are better than you! Alyana is better than you!"

Napalunok ako. "Klariz, hindi ko gusto ng away-"

"Alyana is more prettier than you. Tingin mo talaga makikipag kaibigan siya sayo, ah?"

Tumawa siya sabay ng mga kaibigan niya.

Napayuko ako at hindi nakapag salita.

Alam ko. Una palang alam ko na 'yan. Alyana is indeed better than me. Pero hindi naman ako nagkukumpara. She's my role model. Inaamin kong gusto kong maging katulad niya, but in my own way.

Hindi exactly na katulad niya na gusto ko nang maging siya.

"Stop dreaming, you outcast. You don't even belong in this school. Nakapasok ka lang kasi scholar ka, but you're not on our level. We're rich and you're poor. We're pretty and you're not. Nerdy ka lang!"

Nangibabaw ang tawanan nila sa pandinig ko.

She already said something worst than that kaya sanay na ako sa ganito.

Pero kahit anong tanggi ko, naaapektuhan pa rin talaga ako. Sa mga ganoong pangyayari, nawawalan ako ng gana at minsan pakiramdam ko... totoo ang nga sinasabi nila.

Na... hindi ako maganda. Na... hindi naman ako belong sa school na 'to. Na... nasa ibaba ako kung ikukumpara sa kanila.

Tama siya. Scholar lang ako. Hindi ako kasing yaman nila para mapunta sa ganito kaganda at kalaking school. Hindi ako tulad nila at hinding hindi magiging katulad nila. I am just an... outcast.

Pero nilalabanan ko 'yon. May pangarap ako at alam ko magiging successful ako balang araw.

Hindi man kasing yaman nila pero okay na para mabuhay. Iyon lang ang pangarap ko. Hindi man sobrang yaman, atleast masaya at maluwag naman sa buhay.

Dati pangarap ko 'yon para sa Mama ko. Pero ngayong... wala na siya... pangarap ko nalang 'yon para sa sarili ko.

Tsaka... sino ba namang hindi gustong magtagumpay, 'diba? Lahat tayo ginagawa ang lahat... para maabot ang mga pangarap natin. Nagsisikap... nagtyatyaga.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon