20

764 14 0
                                    

--

--




"Thank you sa pag-hatid..."

Tahimik na sa daan at wala nang tao. Gabi na rin kasi. Ako na ang nag-hubad ng helmet sa ulo ko. Inabot ko 'yon kay Rafael nang lumapit siya sa akin.

"So, what's your schedule for tomorrow?" tanong niya.

"Uh, gano'n pa rin. Pagkatapos sa school, doon agad ako sa coffee shop. Ako ulit ang mag-sasara..."

"Kapag hindi ikaw ang mag-sasara, nine ang uwi mo?"

Tumango ako.

"You're not free, then?"

"Ha? F-Free saan?"

"Date."

Date?!

Umawang ang labi ko at nangapa ng sasabihin.

"Uh... ganito ang ginagawa ko buong Lunes hanggang Biyernes, e. Sa... bahay niyo naman ako kapag Sabado at Linggo," bahagyang uminit ang pisngi ko sa sinabi.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Right. You'll be having your boxwoods next weekend. Dumating na sa bahay."

Namilog ang mga mata ko. "Talaga?"

"Uh-huh."

Wow! Sa totoo lang hindi ko pa alam kung kaya ko ba ang boxwoods o kung paanong design ang gagawin ko sa mga 'yon pero excited pa rin ako! To know that those boxwoods are all on me is making me thrilled!

Rafael chuckled because of my happy face. "So happy, huh?"

"First time ko kasing mag-dedesign ng gano'n. Pangarap ko lang 'yon noon, e."

"Will you let me help you design it?"

Napatitig ako kay Rafael. Hanggang boxwoods, gusto niyang matuto?

"Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ko kasi kahit mas maganda ang mga nagagawa niya kaysa sa akin, nakikita ko pa rin nahihirapan siya at nagtatagal.

"Of course, nahihirapan. But I want to do it with you. Mine are more beautiful, right?"

Ngumuso ako. "Mas maganda naman talaga ang sayo."

He chuckled. "Mas maganda ang sayo, Joan..."

That's a lie! Mas maganda talaga ang sa kanya!

"Sige na, pumasok ka na. I'll see you tomorrow," sinenyas niya ang apartment ko sa likod.

Pero may naalala ako dahil sa sinabi niya.

"Ah, Rafael..."

"Hmm?"

Medyo hindi ako komportableng sabihin sa kanya pero kailangan.

"Kapag pala nasa school tayo... pwede bang huwag muna tayong mag-sama?"

Kumunot agad ang noo niya. "What do you mean?"

"Kaka-break niyo lang ni Alyana..." sabi ko para maintindihan niya agad.

He sighed and looked at me. He doesn't look moved by what I said kaya dinagdagan ko.

"M-Marami pa rin kasing nag-uusap tungkol sainyong dalawa. Hindi naman magandang tignan kung... tatlong linggo palang pero makikita ka na agad na... kasama ako. Parang... ang pangit tignan kapag gano'n..."

Hindi nagsalita si Rafael. Parang gusto niyang mag-salita pero hindi niya magawa kaya umigting nalang ang panga niya. Alam niyang tama ang sinasabi ko.

Yumuko ako. "Alam kong sinabi mo nang wala kang pakialam sa sasabihin ng iba pero kasi mahirap 'yong ganito, e... Kakahiwalay niyo lang..."

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon