26

821 16 0
                                        

--

--




Ako ulit ang nagsara ng coffee shop kaya ginabi na naman ako. Kailangan ko pa kasing hintayin malinisan ang buong shop at i-check lahat ng nasa kusina bago isarado.

Rafael waited for me today. Nilingon ko siya nang ma-lock ko ang coffee shop. Bahagya siyang nakasandal sa motor niya at nakahalukipkip habang nakatitig sa akin, waiting for me to come to him. Nakasuot siya ng white t-shirt, ripped jeans, at white sneakers.

His eyes are serious and I can see from where I was how his jaw was clenching. Marahan akong naglakad palapit sa kanya. Maliit akong ngumiti.

"Tara na..."

Hindi siya gumalaw. Nanatili siya sa pwesto niya, nakatitig sa akin na para bang kakainin niya ako nang buhay. I avoided his gaze at ako na mismo ang kumuha ng helmet ko para malaman niyang kailangan na naming umalis.

But then, he suddenly grabbed the helmet out of my hand. Ikinagulat ko 'yon. Nagkatinginan kaming dalawa at nakita ko kung gaano siya kaseryoso ngayon.

"Is there something wrong?"

Alam naming dalawa na may problemang nangyayari. Pero sa mahigit isang buwan na kasama ko siya, parang kilala ko na siya. Alam kong wala siyang pakialam sa kumakalat ngayon. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba.

Pero dahil nadadamay na ang pangalan ko at kung ano ano na ang sinasabi ng iba, alam kong may ginawa na siya. Iyon ang dahilan kung bakit bahagyang nabawasan ang nag uusap usap tungkol sa akin. Nabawasan ang mga nagpaparinig sa akin. Medyo umiwas na rin ang iba at bumubulong nalang talaga, hindi na pinaparinig pa sa akin.

Pero may narinig pa rin ako. I heard he did something to make some of them shut up. Hindi ko alam kung ano 'yon pero dahil do'n mas lalo lang naging matibay... na kami na nga... at na nang agaw ako.

Hindi ako nang agaw pero dahil sa mga sinasabi ng iba at dahil na rin sa katotohanang napaka bilis nga nito, unti unti na akong naniniwala... na baka nga inagaw ko siya kay Alyana.

"Stop lying to me and tell me what's wrong," Rafael said.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nag init ang gilid ng mga mata ko habang tinititigan ko siya. I memorized his face. Mula sa laging magulo niyang buhok, pababa sa makakapal niyang kilay, sa matangos niyang ilong, sa malambot at mapupula niyang labi.

This is the man I love. And I think this is the only man I will love in this lifetime. Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon pero alam ko. Alam ko lang. Siya lang ang lalaking mamahalin ko sa buhay na 'to. Siya lang.

Maliit akong ngumiti sa kanya. "Wala namang problema..."

"You can't lie to me now, Joan. Tell me the truth."

I sighed. "Alam mo naman 'yong kumakalat, 'diba?" marahan kong tanong.

"Is that why you're avoiding me?"

Nagulat ako roon. He looked at me darkly. Umiling ako.

"H-Hindi kita iniiwasan, Raf..."

"You think I didn't know? I know you, Joan. I already know you. You are avoiding me."

"Rafael-"

"Walang baon na dala si Trisha kanina, 'diba?"

Natigilan ako at natahimik dahil alam niya. Alam niyang nagsinungaling ako.

"I saw her eating with her friends at the cafeteria earlier. You think you can lie to me?"

Hindi ako nakapag salita. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pilit niya akong pinatingin sa kanya. Hindi na siya nakasandal sa motor niya ngayon. He's now crouching a little to look at me closely. Pinagbigyan ko siya at tinignan. Tinitigan namin ang isa't isa. Seryoso at parang galit ang mga mata niya kanina, pero ngayon nahaluan na 'yon ng paghahanap at para bang nangungusap.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon