--
--
Mabilis ang paghinga ko at pinagpapawisan ako nang makabalik sa opisina namin. Umupo ako sa cubicle ko at inayos ang sarili. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari 'yon!
Pumikit ako nang mariin nang maalala ulit ang nangyari, alas siyete na ng gabi. Hindi yata ako makakapag focus sa trabaho ngayon kaya nagbago ang isip kong mag OT. Wala akong ibang maiisip kundi 'yon kaya mas mabuting umuwi nalang!
Pero lalo lang yata akong binaliw no'n pagdating ko sa bahay. Wala akong ibang maisip kundi ang mukha ni Rafael at ang haplos niya sa aking baywang. Ang haplos ng kanyang ilong sa pisngi ko at ang pamilyar niyang amoy na matagal ko nang hinihiling maamoy ulit!
Puyat na naman ako kinabukasan. Ang nakangising si Trisha ang naabutan ko sa cubicle ko pagkadating ko.
"Ang aga mo naman..." puna ko kahit parang alam ko na kung bakit maaga siyang pumasok ngayon, e, dati halos late na siyang pumapasok lagi.
Pinatong ni Trisha ang mga braso niya sa cubicle ko. "May utang kang chismis sa akin."
Ngumuso ako at hindi nagsalita. Inayos ko ang mga gamit ko roon habang nakaupo na.
"Anong nangyari? Sinundan ka ni Rafael kahapon, ah?"
Napatingin agad ako sa paligid. Mabuti nalang wala pa masyadong tao dahil maaga pa at 'yong nandito na ay malayo naman sa amin.
Tinignan ko si Trisha. Tinakpan niya ang bibig niya at mahinang humalakhak.
"Anong sabi ko sayo? I told you! He still likes you! He loves you!"
"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa love?"
"Hindi nga pero parang totoo naman 'yong kay Raf. Tsaka bihira lang 'yan ngayon kaya kapag nakahanap ka na ng totoo, go mo na!"
Hindi ako nagsalita. Uminit ang pisngi ko nang maalala na naman ang nangyari kahapon. Muntik niya na akong halikan at kung hindi lang kumatok ang secretary niya, malamang bumigay na rin ako.
Ibig ba agad sabihin no'n... mahal niya pa rin ako?
"Huwag ka nang magpaligoy ligoy, Joan! Ayan na nga, oh! Iilan lang ngayon ang nakakahanap ng tunay na pag ibig. Isa ka na do'n pero ayaw mo namang sunggaban?"
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "E, ikaw? Tingin mo ba hindi ka makakahanap ng tunay na pag ibig?"
Umirap siya. "As if! Wala nang ganyan! Ang mga katulad mo lang ang makakahanap ng true love."
"Ano ba ang mga katulad mo? Pareho lang naman tayong babae."
Humalakhak siya. "Pareho ngang babae pero magkaiba tayo ng personality, Joan. Basta! Hindi mo mage-gets! Tsaka huwag mo ngang iniiba ang usapan!"
I sighed.
"Ano? Ayaw mo pang i-take? Baka maging bato pa 'yan, sige ka..."
Umiling ako at naguguluhan na. "Hindi ko alam, e..."
"Hay naku! Bahala ka nga. Kapag 'yan si Rafael totoong naipakasal kay Alyana..."
Napatingin ako kay Trisha sa sinabi niya. She smirked.
"Natakot ka, no? Kaya nga angkinin mo na si Rafael! Go na, sis! Kung kinakailangang tumuwad ka agad-"
"Trisha!"
Humalakhak siya. Tumingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa kanya! Hindi naman ako gano'n ka-inosente at alam ko ang sinabi niya, no!
"O-Oo na! Ako nang bahala," sabi ko nalang kahit hindi ko pa talaga alam ang gagawin.
Nanunukso siyang tumingin at ngumisi sa akin. "Aabangan ko 'yan, ah? Kapag wala pa ring progress, babalikan kita!"
Napahawak nalang ako sa noo ko nang umalis na siya. Ano bang kailangan kong gawin? Dapat ba akong pumunta kay Rafael at sabihin agad sa kanya na magbalikan na kami? Nang gano'n lang kadali? E, parang hindi naman 'yon gano'n kadali! Paano kung hindi siya pumayag? Tsaka... bakit ako ang magsasabi no'n?!
"Ikaw ang umalis kaya ikaw dapat ang bumalik..." narinig ko ang boses ni Trisha sa utak ko.
Napapikit ako at halos guluhin ang buhok sa kalituhan pero naalala kong nasa opisina nga pala ako kaya dapat pormal lang. Trabaho, Joan. Trabaho!
Magpapasa ulit ako ng mga papel sa seventh floor kaya kabado ako. Lunch kasi ulit 'yon. Baka makasabay ko na naman si Rafael sa elevator! Kaya nang sumakay ako ay sinigurado kong maraming tao sa loob. Yung marami talaga akong kasabay papanik at pababa!
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil marami rin akong kasabay noong pababa na ako. Anim kaming nasa loob ng elevator. Tatlong babae at dalawang lalaki. Nasa dulo ako at bahagyang nakasandal.
Pinagmamasdan ko ang number sa taas at nang mag fifth floor ay para akong aatakihin sa puso. Lalo na nang huminto ang elevator. When the elevator door opened, I saw Rafael. Siya lang mag isa roon. Nagtama agad ang mga mata naming dalawa at parang gusto ko nalang matunaw doon!
Binati siya ng mga kasama namin sa elevator. Tumango siya sa mga 'yon at binati rin sila habang pumapasok. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang dumulo talaga siya para tumabi sa akin. Binigyan siya ng daan noong mga babae sa harapan.
Mabuti nalang nakasandal ako dahil nanghihina na ang mga tuhod ko. Kung nakatayo ako ay baka natumba na ako kanina pa! Pero kahit gano'n ay sinubukan ko pa ring tumayo nang tuwid. Pinagmukha kong pormal ang sarili ko kahit nagwawala na ang bawat cells ko sa loob ng katawan ko.
Dikit na dikit sa akin si Rafael kaya bahagya akong gumilid palayo sa kanya. But then, he also stepped on the side to close the distance between us at mas lalo lang siyang nalapit sa akin dahil do'n! Hindi na tuloy ako lumayo ulit sa kanya.
Saglit lang naman dapat sa elevator pero hindi ko alam kung bakit parang napakatagal namin ngayon doon.
I felt Rafael beside me. Umangat ang balikat ko nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking baywang. Napatingin ako sa mga nasa harapan namin. Lahat sila ay nakatalikod sa amin at natatakpan naman kami ng tatlong babae sa harapan kaya hindi kami kita sa repleksyon. Habang 'yong isang lalaki ay abala sa cellphone at ang isa naman ay nakatingin lang nang deretso sa harapan.
Pasimple kong tinanggal ang kamay ni Rafael sa baywang ko. Binalik niya 'yon at ngayon bahagya akong hinila palapit sa kanya. Napasunod ako at pinagdasal na sana ay walang lumingon sa amin dahil sa bahagyang ginawang ingay ng sapatos ko.
Ano bang ginagawa niya?
Yumuko si Rafael sa akin. I felt his nose on my ear and it tickled me a bit. Hindi ko na siya magawang itulak dahil masyadong tahimik sa loob ng elevator at maririnig kami kung ipipilit ko siyang itutulak.
Nilingon ko si Rafael. Nagkatinginan kaming dalawa. Bahagyang namumungay ang kanyang mga mata nang ngumisi siya sa akin. Tuwid na tuwid ang tayo ko roon habang siya ay nakahawak sa baywang ko at bahagyang nakayuko sa akin.
Tumingin ulit ako sa harapan. He went back on my ear. Naramdaman ko ang hininga niya roon at mas lalo lang akong nakiliti. Kinagat ko ang labi ko. His hand on my waist held me tighter and I suddenly felt hot. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang nararamdaman ko.
His nose traveled from my ear down to my jaw and neck. Umawang ang labi ko sa ginawa niya. He sniffed my scent and I shivered when he breathed out. Kinagat ko ulit ang labi ko.
Tumunog ang elevator. Mabilis kong tinulak si Rafael at saktong bumukas ang pintuan at nagsilabasan ang mga kasabay namin! Naglakad na rin ako palabas. Nagulat ako sa sarili ko na kaya ko pang maglakad nang matino!
Pinakawalan ni Rafael ang baywang ko. Iniwan ko siya roon habang nag iinit ang aking pisngi sa nangyari. Sinulyapan ko siya. His sleepy eyes watching me. Nagmamadali na akong umalis.
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...