--
--
"Will you calm down?" inis na sabi ni Trisha sa kaibigan.
Naupo ako sa mahabang bench at tumabi agad si Trisha sa akin. Isa isa na rin silang umupo.
"How can I calm down? Alam kong mas matanda siya sa atin pero ang maldita niya! Nakakainis!"
"Oo nga! Anak lang naman siya sa labas ng mga Aldama pero kung maka-asta akala mo kung sino!"
Napalingon ako nang banggitin nila ang mga Aldama. Lalo na ang... anak sa labas na tinutukoy nila.
Nilingon ko ang babaeng naglalakad palayo sa amin. May libro siya sa kanyang braso. Nakasuot ng white t-shirt na naka tuck-in sa high-waist niyang pantalon, white na sapatos, nakalugay ang straight na hanggang baywang niyang buhok, at may kulay puting bag sa kanang balikat.
Medyo nakatalikod na siya sa amin kaya kalahati lang ng mukha niya ang nakita ko. Pero kahit gano'n ay alam ko agad na sobrang ganda niya lalo na sa tangos ng ilong na natanaw ko sa kanyang kalahating mukha. Tsaka nakita ko naman na siya at lagi ring nakikita dahil madalas ko siyang makasalubong kaya alam kong maganda talaga siya. Mailap nga lang at hindi tumitingin sa kahit na sino.
Sabi ng mga kaibigan ni Trisha maldita raw siya. Pero tingin ko naman ayaw niya lang sa amin dahil marami na siguro siyang naririnig na pinag uusapan namin siya at tinatawag na... anak sa labas.
Dalawang taon ang tanda niya sa amin. Pinsan niya si Rafael at mas matanda pa siya kay Rafael. Nagsimula raw siyang mag-aral dito noong nag-college siya. Ang narinig ko, pinag aral siya rito dahil iyon ang gusto ni Frederick Aldama, ang Daddy niya.
"Magmula nang mag-aral 'yan dito, pinag uusapan na siya ng lahat kaya... normal lang naman sigurong mailap siya," sabi noong isa.
"Mailap? Maldita kamo! Hindi manlang nag-sorry. Dere deretso lang naglakad noong nabunggo ako!"
Trisha rolled her eyes. "Ikaw ang nakabunggo, Tina."
"Kinakampihan mo 'yon?"
"Wala akong kinakampihan. I'm just saying na kasalanan mo kasi masyado kang nakatutok dyan sa cellphone mo. It was your fault."
"Grabe! Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita!"
Nagtawanan sila. Inalis ko ang titig ko roon sa babae dahil nawala na siya sa paningin ko. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa bulaklak na nasa may tabi ko.
Maaga natapos ang klase ko ngayon kaya may isang oras pa ako bago umuwi. Kaya lang may klase pa itong mga kasama ko kaya baka umuwi nalang din ako. May klase rin kasi si Rafael.
"But I heard the Aldamas are very obsessed with her. Even Mara likes her," sabi ni Leya, hindi pa pala sila tapos pag usapan 'yong babae.
"What the hell is her name again? Asa? What kind of name is that?"
"It's Ey-Sa kase! What kind of pronunciation is that?"
"Whatever! Basta nakakainis siya!"
"May pagka-pareho sila ni Raine but that girl is really the coldest and the weirdest! Well, I understand her. Iba kasi ang tingin sa kanya ng iba rito dahil anak siya sa labas."
"Will you stop calling her anak sa labas?"
"Totoo naman, ah?"
"Yeah, pero hindi kasi maganda pakinggan, you know?"
"Tama na nga 'yan! Let's just go. May klase pa ako. May klase rin kayo, 'diba?"
Tumayo na sila. Kanina pa kasi kami naglalakad lakad sa malawak na school. Ako lang yata ang wala nang klase kaya nagtinginan silang lahat sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...