42

790 18 1
                                    

--

--




Nagising ako sa isang malambot na kama.

Ginala ko ang nanghihina ko pang mga mata sa paligid at napansin na nasa isang pamilyar akong kwarto.

Teka... Anong nangyari?

Unti unti akong bumangon. Inatake agad ng kirot ang ulo ko kaya halos hindi ako tuluyang nakabangon. Pumikit ako nang mariin. Narinig ko ang isang pintuan na bumukas at sumara. Agad akong napatingin sa kaliwa at nakita si Rafael na may dalang isang baso ng tubig at isang gamot.

Kinailangan ko pang siguraduhin na siya nga ang nakikita ko kaya nagtagal pa ang titig ko sa kanya. His eyes were bloodshot and he looked irritated. Agad pumasok sa isip ko ang nangyari sa bar at muntik nang manlaki ang mga mata ko.

Siya nga 'yon! Akala ko... akala ko nananaginip lang ako! Siya ang humila sa akin kanina! Siya ang... sumuntok do'n sa lalaking 'yon kaya nagdugo ang ilong! Tapos... Tinignan ko ang paligid. Dinala niya ako rito?!

Teka... Kwarto niya 'to, ah?! Sa condo niya?!

Gulat akong napatingin kay Rafael. Kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga at binaba ang tubig at gamot sa side table ng kanyang kama. Naka awang ang labi ko habang nakatitig sa kanya.

"Drink the medicine," utos niya at pagkatapos tinalikuran ako.

Hindi ko na kailangang magtanong kung anong ginagawa ko rito. Base sa mga naaalala kong nangyari roon sa bar kahit na malabo, alam ko na!

Tinignan ko ang gamot na nilagay ni Rafael sa side table at pagkatapos sa kanya ulit na pumasok sa loob ng walk in closet. Napatingin ako sa damit ko at nanlaki ang mga mata nang makitang hindi na 'yong damit ko kanina ang suot ko. Longsleeve polo 'yon na hanggang taas yata ng tuhod ko ang haba dahil sa sobrang laki!

Hindi ito ang suot ko sa bar! Mas lalong namilog ang mga mata ko nang maisip na... na... shit! Siya ba ang nagpalit sa akin?!

Lumabas si Rafael sa walk in closet kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa habang may hawak na siyang isang towel. At base siguro sa itsura ko, parang alam niya na agad ang iniisip ko.

"The helper changed your clothes," his voice was peircingly cold.

Unti unti akong kumalma sa sinabi niya. Pero... hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako sa condo niya. At sa kwarto niya pa talaga!

Tumingin ako sa balcony kung saan natatakpan 'yon ng kulay cream na kurtina. Hindi maliwanag kaya may palagay akong gabi pa rin at kani kanina lang nangyari ang lahat! Lalo na't pakiramdam ko nasa sistema ko pa rin ang alak pero hindi naman na ako nahihilo. Sumasakit nalang ang ulo.

"U-Uuwi na ako..." sabi ko at binaba ang mga paa sa sahig.

"No," the coldness in Rafael's voice made me stop.

Napatingin ako sa kanya. Umiigting ang kanyang panga at mariin ang titig. Kumalabog ang puso ko nang natantong galit pa rin siya.

"K-Kailangan ko nang umuwi-"

"Hindi ka uuwi."

Sinabit niya ang towel na kinuha niya sa balikat. Nakasuot siya ng brown na t-shirt at kulay puting shorts. Mukhang katatapos niya lang maligo dahil basa pa ang buhok niya.

"P-Pero-" natigil ako sa pagsasalita nang maglakad siya palapit sa akin.

Para akong aatakihin. Mabuti nalang nakaupo pa rin ako sa kama at hindi nakatayo. Siguradong manghihina ang tuhod ko at mapapaupo ako sa kama! Ayaw kong makita niyang gano'n ang epekto niya sa akin!

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon