35

715 17 0
                                    

--

--




Pasulyap sulyap ako sa table ni Rafael na kasama ang mga kaibigan niya habang kumakain. Nasa harapan ko lang sila kaya madali lang akong nakakasilay.

Napansin ni Trisha ang pagtingin tingin ko sa likuran niya kaya nilingon niya rin tuloy 'yon. Nang makita kung sino ang tinitignan ko, ngumisi siya at tumingin ulit sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay.

"Miss na miss?"

Hindi ako sumagot at binagsak ang tingin sa plato ko.

"Huh? Sino?" takang tanong ni Mikael sa tabi ko.

Humalakhak si Trisha. "Wala!"

Kumunot ang noo ni Mikael pero nagpatuloy sa pagkain. Muli akong nag angat ng tingin kay Rafael. My heart pounded when I caught his eyes on me. Seryoso ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang mineral water at uminom habang hindi pa rin inaalis sa akin ang mariing titig.

Hinarangan ni Trisha ang vision ko.

"Kung miss mo, ba't 'di mo lapitan?"

Bumuntong hininga ako.

"Sino ba 'yan?" tanong ulit ni Mikael.

Hindi siya pinansin ni Trisha. "Ikaw ang umalis kaya ikaw dapat ang bumalik, 'diba?"

"Hindi 'yon gano'n kasimple..."

"Bakit naman? E, gusto ka pa naman niya, ah?"

Eto na naman siya. Hindi naman siya sure.

"Hinihintay ka lang niyan lumapit!"

"Sino ba 'yang pinag uusapan niyo?" inip nang tanong ni Mikael.

"Shh! Para sa amin lang 'to, couz! Mamaya ka na."

Nakita kong may isang babaeng lumapit kay Rafael. Nagtinginan agad sa kanila ang mga tao. Everyone immediately whispered to each other. Natigilan din ako.

Dahil sino ba namang hindi mai-intriga ngayong nandito si Alyana at nilalapitan si Rafael.

Napalingon si Trisha nang marinig din ang commotion. Pati si Mikael napatigil sa pagkain at tumingin sa harapan.

"Oh, shit..." narinig ko si Trisha.

"Oh? Si Alyana Sison 'yan, ah? Fiance ni Architect. Ganda pala sa personal!" si Mikael na namangha.

Para akong nanlamig. Hinawakan ni Alyana si Rafael sa mga balikat kaya napalingon sa kanya ni Rafael. Alyana smiled widely and suddenly crouched to kiss his cheek. Iniwas ko agad ang tingin ko bago pa man lumapat ang labi niya sa pisngi ni Rafael. Tumayo ako. Narinig ko ang tilian ng ibang nakakita sa ginawa ni Alyana. Dinala ko ang tray ko at umalis sa aking upuan.

"Tapos na ako..." paalam ko sa dalawa kong kasama at umalis na agad kahit wala pa man silang sinasabi.

Nilapag ko ang tray ko kasama ng ibang marurumi at pagkatapos umalis sa canteen. Ewan ko. Bitter na kung bitter pero ayaw kong makita silang gano'n. Kung noon kaya kong pagtiisan ang sweetness nila, ngayon hindi na.

Parang nangyayari lang ulit ang lahat. Sila... ang mga taong sumusuporta sa kanila... sikat... at ako... nangangarap na naman ng imposible.

Sumakay ako sa elevator. Balak ko nang bumalik sa opisina ko para abalahin nalang ang sarili sa mga trabaho. Tutal marami ulit dumating na trabaho sa akin kanina, tapusin ko nalang agad ngayon. OT ulit ako gaya ng plano.

Pasara na ang elevator nang may biglang pumigil. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita si Rafael. Dinikit kong maigi ang likod ko sa dingding ng elevator dahil sa kaba at takot sa riin ng titig niya sa akin.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon