--
--
Kinabukasan balak ko ulit mag OT. Gusto ko nalang yatang mag OT buong linggo para abalahin ang sarili ko. Tutal marami naman akong gagawin.
"Ang tamlay tamlay mo naman! Naniniwala ka roon sa kumakalat, no?"
Pinanliitan ako ng mata ni Trisha. Bumuntong hininga ako at umiling. Nilagpasan ko siya para kumuha ng kape sa coffee maker. Sinundan niya ako.
"Sige! Sabihin na nating totoong ipagkakasundo nga sila. Pero what if hindi pumayag si Rafael?"
Ngumuso ako at bumulong bulong. "Bakit naman hindi siya papayag, e, naging sila naman ni Alyana..."
"Hindi porket naging sila, mahal niya pa rin si Alyana, no!" narinig niya pala ako.
"Hindi rin naman natin masasabi na hindi niya na mahal si Alyana, Trish."
"Bakit naman hindi? E, 'diba, ikaw na ang mahal ni Rafael?"
Namilog ang mga mata ko at napatingin sa paligid dahil baka may nakarinig sa kanya! Tumawa si Trisha at tinakpan ang kanyang bibig.
"Sorry. Hindi ako naniniwala sa love love na 'yan pero kung sinabi 'yon ni Rafael sayo, why not?"
"Matagal na noong sinabi niya sa akin 'yan, Trisha."
"E, ano naman? So hindi ka na niya mahal, gano'n?"
"Hindi kasi natin masasabi," pumikit ako at bumalik sa kape ko. "Ayaw ko rin naman mag-assume."
"Hindi ka naman mag a-assume kasi mahal ka talaga niya!"
Ngumuso ako dahil wala namang kasiguraduhan ang mga sinasabi niya. Tinitigan ko ang kape kong napupuno na.
"Hindi ka naniniwala?"
Natapos ang kape ko. Kinuha ko 'yon at nilingon si Trisha. Ngumisi siya na para bang may masamang binabalak.
"Sige. Hindi rin naman talaga ako sure sa mga sinasabi ko but... I want to make sure."
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
She then smiled. "I have a cousin. Dito rin siya nagtatrabaho. He's an engineer! Gusto mo ipakilala kita?" bigla niyang tanong.
"Huh? Bakit?"
"Wala lang! Gusto lang kita ipakilala."
"Bakit biglaan-"
"Huwag ka nang umangal! He's gwapo and masipag! For sure magugustuhan mo siya!"
Alam ko agad ang linya niya na 'yon kaya umiling agad ako.
"Ano bang pinaplano mo, Trisha? May trabaho-"
"Hindi naman kita ipapakilala sa kanya sa oras ng work!"
"Pero-"
"During lunch, okay? Itetext ko muna siya!" umalis na siya bago pa man ako maka angal!
I sighed heavily while watching her leave. Wala na naman akong magagawa nito!
Hindi sumama sa mga katrabaho niya si Trisha noong lunch. Sa akin siya sumama. Nakasimangot ako dahil ipapakilala niya talaga ako sa pinsan niya na engineer daw. Hindi naman sa ayaw ko pero alam ko na kasi ang binabalak niya. Ginawa niya na rin 'to dati dahil gusto niyang magka-boyfriend na ako. Ang tagal tagal na raw noong nag-break kami ni Rafael. Mag move on na raw ako!
Sinubukan ko naman mag move on pero wala talaga sa akin ang choice no'n. Ayaw talaga. Ilang beses ko nang sinubukan. High school palang gusto ko na si Rafael. Malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko na siya na hindi ko na alam kung makaka move on pa ba ako. Makaka ahon pa ba ako? Kasi sa sobrang lalim na nito pakiramdam ko hindi na.
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
Roman d'amourSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...